vanilla

white, plain, unflavored.

para sa friendster

Posted by vanilla on Monday, 5 October, 2009

ang profile ko, walang music.
sa page na ito, walang tunog.

ni hindi ko nga naisip maglagyan dito,
ng astig na background, yun may anime at kulay.

ang friendster ko, ang boring tignan.
ang friends ko dito, kakaunti pa lang.

pero kahit na ganyan, sigurado naman
na gwapo, matalino at mabait yun may-ari ng profile.

kaya ito ang tandaan, mga kaibigan,
wala sa astig na background at kanta yan.

kundi nasa totoong tao sa likod ng keyboard,
yun nagta-type ng mga tulang malufet,

katulad nito.

Advertisements

Posted in uncategorized | Tagged: , , , | Leave a Comment »

I fell in love

Posted by vanilla on Friday, 7 August, 2009

I fell in love, in a far away land,
Distance divides;
Through cables and wires, paper and boxes
My heart speaks.

I guarded, defended, dedicated
Every beat of my heart;
For her eyes alone could break the armor,
To her alone i surrender…

Posted in uncategorized | Tagged: , , , | Leave a Comment »

ang tatlong prinsesa

Posted by vanilla on Saturday, 20 June, 2009

Kaibigan…

Nagsimula ang aking paglalakbay sa pagdalaw ko sa prinsesang aking sinusuyo. Nasumpungan ko naman ang aking irog, ang at aking pagkauhaw sa kanya ay bahagyang napawi; ang mga alinlangan ay naparam, ang mga tanong ay naglaho…

Ngunit sa pagkakataong ito, kapiling niya ang dalawa nyang kapwa prinsesa; matalik na magkakaibigan mula pa nang itatag ang kanilang kahariang nasasakupan. Ang tatlong prinsesa, ayon sa mga nakasaksi sa kanilang pamamalakad sa lupain yaon, ay di mapaghiwalay; sa harap ng gulo, digmaan, pagkakasakit, dalamhati, sila ang siyang magkakasama, nagdadamayan…

Sa iilang pagkakataong nakasama ko ang mga prinsesa, pansin na pansin ang pagiging malapit nila sa isa’t isa; ang mga kwentuhan di matapus-tapos, ang mga halakhak na walang hanggan, biruang na walang kapaguran. Minsan nga ay nakaaabala na sa gawain ng ibang mamamayan sa kaharian ang kanilang biru’t laro, ngunit di na rin nilang makayang magalit o mainis man lamang sa tatlong prinsesa. Marahil dahil na rin sa taglay nilang kagandahan, at sa mga halakhak nilang puno ng ligaya, isang larawan ng kalayaan at pag-asa…

=============!@#$%^#$&#&*%^!@%#@$()&_&*()(%*#@$%%&*(==========

kaibigan…

sa nakita sa mga ngiti nila, ang daming pumasok sa isip ko… kaya ko kayang ibigay sa kanya ang ganitong kaligayahan? mapapatawa ko kaya syang katulad nun? anong pang maidaragdag ko sa buhay nya para dagdagan pa ang ngiting nakikita ko sa kanya ngayon? meron pa bang maidaragdag sa ngiting ganun kaligaya? may silbi ba ko sa buhay nya?


..
.

selos? insecure? masmalamang, as usual, OA lang akong mag isip… sa totoo lang naman, gusto ko silang maging kaibigan, kasi sila ang close nyang kaibigan eh… yun ngiting binibigay nila sa kanya, hinding-hinding-hindi ko kayang palitan yun… kahit maibigay ko pa sa kanya ang pagmamahal na lagpas pa sa doble ng dapat kong ibigay, hindi yun sasapat na kapalit ng pagmamahal ng mga kaibigan na katulad nila… ang tanging paraan para maibigay ko ang ganun klaseng ngiti sa kanya ay ang hayaan silang magkasama, siya at ang 2 niyang kaibigan, at hayaan silang icelebrate ang friendship nila, ang tatlong prinsesa…

siguro, ang talagang medyo nagpakirot lang sa feelings ko nun isang gabi bago ako matulog, ay yun makitang ganun sya happy… at kung iisipin, bukod pa sa 2 kaibigan nya, meron pa siyang ibang kaibigan [yun iba nakilala ko na rin], na nagpapasaya sa kanya… atsaka bukod pa sa kanila, andyan din ang mga ate at kuya nya na handang mag alaga at sumalo sa kanya sa lahat ng problema nya…

medyo napaisip lang ako: sa dami ng nagmamahal sa kanya ng ganito, kelangan pa kaya nya ang pagmamahal ko?

..
.

kaibigan…
huwag mo kong pansinin, nagda drama lang ako…

Posted in uncategorized | Tagged: , , , , | Leave a Comment »

The Distance

Posted by vanilla on Friday, 10 April, 2009

Distance obscures our view of things;
Things we once knew, that were once familiar, that were once so close…

Over the ocean, a place exists;
Beyond the waters, behind mountains, bounded by asphalt and concrete,
Where vehicular exhaust settles on roadside flora…

Thousands of footsteps separates me from that place;
Thousands of expensive, exhausting, unwilling footsteps took me away from that place,
Where I grew my roots upon,
Where I left my heart;
She was there.

Admiring her from a distance, through cabled pictures, wired voices,

–to be continued–

Posted in uncategorized | Tagged: | Leave a Comment »

i want to take a picture of…

Posted by vanilla on Friday, 6 March, 2009

a girl picking up an object that dropped on the ground… focus on the girl, slight blur on everything else… convey a feeling of stopping for a moment, amidst the hussle of the surroundings.

Posted in uncategorized | Tagged: | Leave a Comment »

magmahal, mag-isa

Posted by vanilla on Saturday, 24 January, 2009

medyo matagal na rin mula nun huli akong nakapagsulat… mahirap palang maging “in the mood” para makapagsulat [salamat sa ice lemon tea]… halina at pakinggan ang makulay at nakaaaliw na salaysay ni ginoong inamac…

[ babala: patnubay ng magulang ay kailangan ]

^ sa dami ng palaman na nilagay ko sa taas ng sentence na ito, di ko pa rin maisip kung anong isusulat ko… naubos na yata lahat ng powers ng utak ko, pati na rin yun bigat sa loob ng dibdib ko nun sinulat ko yun title:

magmahal, mag-isa

— the end —

eh yun na ang  gusto kong sabihin eh: magmahal, mag-isa

gusto kong magsulat, kaso walang lumalabas na tinta sa tenga ko… [taktak, taktak… ayan na… ]

eh ganun talaga eh, kapag nagmahal ka, lalo na kung malayo ka, talagang mahirap, at talagang magastos… kesyo nagsasayang daw ako ng pera, kesyo pinapahirapan ko daw ang sarili ko… eh yun lang ang paraan na alam ko para maipaalam ko sa kanya na hindi ito “testing lang” … seryoso to, kids…

eh ikaw kaya ang lumugar sa posisyon ko… kaisa isang taong gusto mong makasama, makausap, wala sa tabi mo, ni hindi mo marinig ang boses… tignan natin kung hindi mo maisip na gumawa ng kumot na may burda ng pangalan ng taong hinahanap-hanap mo…

[ eh pwede ka naman maghanap ng iba dyan… ]

ganun? parang bumibili ng sardinas sa tindahan? kahit anong brand, basta sardinas… para sa kin, parang pagbili ng espesyal na jacket yan eh, kapag may nagustuhan kang isang jacket, hindi ka bibili ng ibang jacket dahil kakulay lang nya yun gusto mong jacket, o dahil mas-sosyalin ang tatak ng ibang jacket na nakita mo… babalikan mo yun tindahan na kung san mo nakita yun jacket, kahit kelangan mong magbiyahe ng malayo…

may mga bagay na pwede at madaling palitan ng ibang alternatives… pero may ibang bagay na mahirap, at minsan hindi na maaaring, mapalitan ng iba…

[ alam mo, kung gusto ka makausap nun, madaling tawagan yun… ]

siguro nga, ayaw nya akong makausap… siguro nga, wala talaga syang pakialam sa kin… pero ibig sabihin ba nun, dapat na kong sumuko? una, i know in myself na i care for her, that i want to take care of her… one way ang pag-ibig, laging one way ang magmahal… ibalik man niya o hinde, hindi mababawasan ang katotohanan na may pagtingin ako sa kanya… at naniniwala akong dapat ganun lagi ang pagmamahal, dahil kung hinde, baka pinalayas na ako ng mga magulang ko sa tigas ng ulo ko… o di kayang pinutol na ang lubid na nag-uugnay sa kin at sa Langit…

ibig sabihin ba nun nagpapakatanga ako? alam kong hindi ako pwedeng maghintay forever and ever… pero madami pang pahina ang kalendaryo ko, at di pa naman ako sinasampal ng langit dahil sa pag-ibig na ito… hindi ko rin naman maloloko ang sarili ko na maghanap ng iba, dahil hindi ko matitiis na humarap sa isang babae, at sabihin na mahal ko sya, ng may natitirang imahe ni Santa Galleria sa puso ko…

-line deleted- hindi applicable sa current situation…

Posted in personal | Tagged: , | 1 Comment »

pangarap

Posted by vanilla on Tuesday, 23 December, 2008

may nagsabi sa kin na dapat daw isulat mo ang mga pangarap mo, para lagi mong nababasa… para lagi mong naaalala kung san ka papunta… para kung tinatamad ka na, o napapagod na, meron kang paghuhugutan ng extrang lakas…

kaso ayoko sa papel, malamang maitapon ko lang yun sa basurahan… masmaganda dito sa blog, kasi binabasa ko naman ito paminsan minsan eh… [ako lang naman yata ang nagbabasa nito eh ]

medyo marami akong oras ngayon para pag isipan kung ano  ba talaga ang pangarap ko [ pero nakakatamad palang mag isip kapag meron kang oras mag isip]… pero sa dami pala ng gusto kong gawin sa buhay ko, iisa ang laging nangunguna, at nagpapasakit sa ulo ko…

pano ba ko makakauwi ng pilipinas?

pero kung iisipin mo, kabaliktaran ito ng pangarap ng milyon milyong mga pinoy… pero sa dami ng gustong kong magawa sa buhay, sa dami ng nabubuong plano sa ulo ko, ito ang problemang paulit ulit kong pinipilit na magawan ng solusyon…

pano ba ko makakauwi ng pilipinas?

kahit na buo na ang family ko dito sa SG, at di hamak na maskomportable ang buhay dito, di pa rin mawala sa isip ko ang magulo, mabaho, at nakakatakot na tambakan ng kamalasan, yun basurahan na tinatawag na republika ng pilipinas…

sandali… bakit ba gustung gusto kong umuwi ng pinas?

dahil ba andun lahat ng “bespren mo du-on” ? dahil masmagaganda ang palabas sa tv doon? dahil siguro masmasaya ang buhay sa pinas? [pag meron kang pera…]

sa laman pa lang ng blog na ito, kita na ang sagot eh…

para ngang nakakahiyang aminin, pero eto ang lumalabas na pinakamabigat na dahilan kung bakit ako nangangarap na mabalik pa ng pilipinas…

pag-ibig.

pag-ibig na hindi ko alam kung meron patutunguhan…

kaso aminin ko man o hinde, hindi ko maipagkakaila na walang ibang bagay na may masmabilis na epekto sa pagpukaw ng damdamin ko… ang maisip na makauwi ako sa pinas, at magkaron ng pagkakataon na mapalapit lalo sa kanya…

pero ang dami pang mali… ang dami pang kulang… ang dami pang dapat gawin…

at hindi ako alam kung sapat ang oras ko para punan lahat ng blanko sa test paper ng pagkatao ko… baka abutan ako ng uwian bago ko matapos ang exam…

[pinish or not pinish, pass your paper…]

baka di ko na sya abutan…

pero naniniwala ako sa mga tandang pinakita sa akin… may pag-asa pa… hangga’t binabatukan pa ako ng langit sa tuwing malapit na akong sumuko, may pag-asa pa…

at bilang deklerasyon ng baliw kong pangarap, inihahayag ko mula sa munting sulok ko sa internet, na GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA  MAGING KARAPAT-DAPAT AKONG UMUWI NG PILIPINAS PARA ALAGAAN SYA.

sa dami ng pagdaraanan ko, alam kong manghihina ako, at laging mapapasok sa isip ang pagsuko, pero paulit-ulit kong isisigaw sa bawat dalangin, mula  sa bawat kanto ng utak ko, ang tatlong salitang nagbibigay ng tulak sa bitak-bitak kong pagkatao:

PARA KAY SHERMA.

.

.

Posted in uncategorized | Tagged: | Leave a Comment »

sisi

Posted by vanilla on Tuesday, 16 December, 2008

[original draft: july 26, 2008… sayang naman kung hindi ko ipapublish…]

————————————-

masakit.

ganun ba ko ka-sama? ano bang kasalanan ko? alam kong wla akong karapatan magalit, pero tao ako, at natural ang makaramdam ng galit…

ang hiniling ko lang naman ay marinig ang boses nya… patawarin mo po ako, Bossing, ngayon lang, eto mismong pagkakataon na to, pagbigyan nyo kong magalit sa buong mundo… gusto ko man isama kayo, alam ko mali, kahit ang buong mundo na lang ang makalaban ko, hwag ka na lang sumama sa kanila…

alam ko kaibigan ko sya… alam nyang higit pa sya dun para sa kin… boring ba kong magkwento? masyado ba kong weirdo? masyadong payat? walang sense akong kausap? dahil ba dagat at langit ang layo ko sa kanya? dahil ba masyado akong matanda para sa kanya?

masakit… itinago ko sa kahon ang puso ko, para sa kanya, para sa isang tinig na tumutulay sa alambre, walang mukha… para sa isang kasaysayan ng isang babaeng bumaba sa bundok at sumugod sa lunsod…

masama ba kong kaibigan? tatlong tinig, ni isa, walang nagsabi… dahil siguro alam nilang di naman ako maniniwala… tanga ang pusong umiibig, lalo na kung daang kilometro ang naghihiwalay sa pusong pinaglalaanan ng pagsinta…

masakit… dalawang linggong kumikiriring ang mga telepono… mukang huli na nang maalala ko ang natutunan ko ilang taon na ang nakakalipas… sa pag-ibig, may mga pagkakaibigan kang masisira… sinumpa ko, ayoko nang maulit yun… eto na, nakasira na naman ako sa pangako ko…

Diyos ko, bakit ganito? minsan na nga lang ako magmahal, ni hindi pa nga halos nagsisimula, mawawawakasan na ba? pasensiya na po talaga, di ako makasigaw eh… marami pang tanong na umuugong sa ulo ko, gusto kong ubusin lahat… gusto kong isigaw lahat, isa isa, kahit alam ko walang sasagot…

wala akong karapatan magalit sa kanya… tao syang may sariling pasya… syempre, wala na naman akong pwedeng kagalitan kundi ang buong mundo, o ang sarili ko… walang kwentang kalaban ang buong mundo, lugi ka eh, ten trillion billion na mga nilalang laban sa isang payatot na nerd… masmadaling magalit sa sarili mo…

pero ewan ko, parang di kayang awayin ang sarili ko ngayon… ang kasalanan ko lang siguro talaga, kasi andito ako sa hinayupak na lupang ito, na nababalot ng semento at damo, pinaghaharian ng salapi at pawis ng mga alipin… mukang nadamay na ko sa sumpa ng paglayo sa lupang sinilangan… sa paglayo mo sa inang bayan mo, siguradong aasenso ka, kapalit ng luha at dugo…

ang tanging hiniling ko ay marinig ang boses nya… nun ko lang naintindihan panong nagpaglalapit ng mga kable ng telepono ang mga pusong nauuhaw sa pagmamahal…

kahit na ako lang ang naghahanap sa kanya, umaasa sa pag-ibig na walang katiyakan, isinugal ko ang buong puso ko, at eto ngayon, inaaani ko ang abo ng isang pusong iniregalo, na iginatong sa kalan…

wala na rin kwentang magtanong, at wala naman sasagot… kung may sagot man, siguradong di ko rin maiintindihan… wala na rin kwentang magmakaawa, tapos na ang kaso, ibinaba ang sintensya, hinila na ako papalayo sa korte, at isasalang sa kalan…

ang hiling ko lang naman ay marinig ang boses nya…

.

.

.

Posted in uncategorized | Tagged: , | Leave a Comment »

beauty denied

Posted by vanilla on Wednesday, 29 October, 2008

pristine, pure beauty.

but as pretty she looks in pictures, they cannot match the memory stapled to my mind.

distance may obcures the picture, yet the presence you cast can’t be forgotten…

pure, sheer, beauty.

gusto kong hawiin ang buhok mong nagladlad sa gilid ng mukha mo, tipunin ang mga hibla sa likod ng iyong tenga,

pwede ko lang sanang dampiin ng mga daliri ko ang balat mo, ang pisngi mo…

kung papayag ka lang na ikulong kita sa mga braso ko…

napakalayo mo, kilometro’t magdamag,

bakit ba kelangan ganito?

gusto ko man isigaw, wala rin silbe,

malulunod lang sa alat ng dagat ang tinig at alingawngaw…

i want to hold you, but i can’t,

and words are stupid tools to send a fool’s love,

pag-asa ko’y ilalaan sa langit, sa mga ulap,

bawat gabi, bawat dalangin, puno ng luha,

alay ko sa altar ng Panginoon ng lahat,

bawat patak, bawat kristal, bawat isa’y bituwin kong isasabit sa langit,

para sa bawat araw na lilipas na malayo ka sa piling,

hanggang sa mapagod kong magbilang ng mga araw, buwan, luha, panaginip,

di ako susuko,

di ako susuko,

di ako susuko, sa pagmamahal sa angel kong bigay ng langit.

.

.

Posted in uncategorized | Tagged: , , , | Leave a Comment »

random quote 3

Posted by vanilla on Tuesday, 28 October, 2008

ang ganda mo sa picture mo… kaso maspangit ka sa personal…

taken from a real life experience hehehee…

.

Posted in uncategorized | Leave a Comment »