vanilla

white, plain, unflavored.

ang pakikipagsapalaran ni jv at ng mahiwagang gulay

Posted by vanilla on Saturday, 10 May, 2008

i really feel weird… mahirap huminga, tuliro, ang hirap ipaliwanag… although hinanda ko na rin ang sarili ko na malamang mangyayari to, iba pa rin yun impact eh… pagkatapos dumating nun signal nun message sa utak ko, mga 1 minuto pa ang lumipas bago ko naisa-isa yun bawat salita sa pangungusap…

pero parang nirereject ng utak ko na iprocess yun literal meaning nun pangungusap na yun…

[kaya sa susunod bawasan ang txt-talk sa mga message sa kin…]

although nakikita ko yun mga salita, bawat letra nya, na lumulutang lutang sa ibabaw ng utak ko, parang ayaw parang kagatin ng isip ko na totoo yun…

kaso dalawa silang nagsabi nun sa kin eh…

parang sa loob ng 5 minuto, bigla mong mararamdaman na nabawasan [nawalan?] ka ng kapiranggot na dahilan para ituloy ang buhay mo… parang sa sandaling yun, parang paglabas mo ng building na yun, magpapalaboy laboy ka sa kalsada ng walang direksyon, parang lasing na taong grasa…

para kang nagsayang ng lagpas limang taon sa paaakalang prutas ang saging… yun pala, gulay sya…

alam mo yun, sa loob ng maraming taon, may nabubuong fairy tale sa sariling mong mundo na after ng ilang panahon, pagsubok, etc. ay magiging asawa mo yun saging, tapos mabubuhay kayo ng masaya magpakailan kailan man? pero ngayon di na pwede kasi gulay pala sya?

may mga gabi pang dumadalangin ka sa langit na sana, pagbalik mo, prutas pa rin ang saging…

pero minsan, di pa rin maalis sa isip mo na mataas ang porsiyento na magiging gulay ang saging… lalo na laging nakahalo sa calamansi at kalabasa ang paborito mong saging…

kaya ngayon, para tuloy akong nagsisisi na sana kung nasakin pa yun saging na yun, eh di sana may nasagip akong isang kaluluwa, atsaka cguro masmataba ako ngayon at di gano anti-social at anti-pop culture… cguro ngayon masmadalas akong manood ng mga telenobela sa tv…

sayang yun matapang at supladang saging…

pero kung iisipin mo, cguro, di sya kasing tapang gaya ng inaakala ko… sa huli naging gulay din sya… kasi sabi ng ibang kasama nya sa refrigirator, “gulay ka!”

pero ayos na rin na sa hipon na lumilipad ko narinig ang kwento… dalawa pa… akala ko nga niloloko lang nila ako eh… pero mukang hindi eh…

cguro ganito lang muna ako hanggang sa ilang mga susunod na mga araw… mukang normal ang buhay, pero sa loob, pakiramdam ko, natagpasan ako ng isang daliri… hindi, parang meron galing sa katawan ko ang hinalo sa bopis…

pero ibig sabihin nun pwede na kong maging malaya…

pero parang ayaw ko?

reset lahat, nakakainis… gusto mong bumalik, pero di pwede… wala ka nang babalikkan eh…

back to square one, drawing ka ulit ng bagong prince charming, bagong istorya, sa bagong papel, pantapal sa notebook na puno ng tintang sabog at flakes ng pambura…

—————————–

<original post: 08.12.2007>

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: