vanilla

white, plain, unflavored.

plastic na manok at picture ng burger…

Posted by vanilla on Saturday, 17 May, 2008

eto ang ayoko kapag may gusto kang girl na di mo laging nakakasama, o nakikita man lang.. para ka lang nanonood ng commercial sa TV… grabe, sinlaki ng kalabasa yun burger nila, na punung-puno ng karne, gulay at fertilizer… imported pa sa australia yun karne nila, at galing sa bagiuo ang gulay, yun ketchup galing germany… parang di kakasya sa bunganga mo yun burger dahil sa kapal nito, baka sumayad sa ngala-ngala mo yun kamatis…

so punta ka naman sa pinakamalapit nilang branch, at umorder ng set meal nung katakam-takam at makalawit-dilang burger nila… inilagay yun tray sa harap mo, “sir, you ordered a ____ burger, with regular coke and regular fries…”
[regular lang kasi yun burger lang naman ang gusto ko eh… atsaka wala nang budget… kulang pa nga pamasahe ko eh, kaya maglalakad na lang ako mamaya pauwi…]

sumalok ng yelo, at itinapat sa gripo ang plastic na baso… pindot, sabay lingon sa nakahelerang pakete ng french fries… nilapag sa tray mo… kaso di pa daw tapos yun burger kaya pinaupo ka muna…
[ala-chowking’s “niluluto pa” TV ad]

kuha ng straw, ketchup, at tissue… sabay hanap ng bakanteng mesa para maupuan, at doon magmukmok at magtiis hanggang dumating ang pinakahihintay na sandali ng iyong buhay: ang makagraduate ng college magkaron ng girlfriend pagdating ng mahiwagang burger mula sa kalawakan…

after 10 years, nakita mong lumabas sa counter ang isang service crew, tumatanaw ng malayo, umiikot ikot, hawak ang isang tray na puno ng nakabalot na order…

lumalapit sa yo…

palapit ng palapit…

nagkatitigan kayo.

lumagpas, di pala para sa yo yun order na yun…

tapos bumalik, sa wakas! iniabot sayo ang isang kahon na may logo ng fastfood chain na iyon… eto na, this is the moment!

tumigil ang mundo, di mo na marinig ang ingay ng mga nakaupo sa paligid mong mga konyotik na freshman sa university mo [ “magpakasaya na kayo kasi madedeblock din kayo…” ]… kahit yun busina ng mga jeep sa labas, di mo na rin marinig daw todo to the max ang excitement at energy mo para sa pambihirang burger na ito…
[actually di mo talaga maririnig yun jeep sa labas kasi aircon sa pinuntahan mong branch nila eh]

tak!
yan ang tangi mong narinig nung angatin mo ang flaps nun malutong na kahon na nasa harap mo.. daig mo pa ang excitement ng bagong kasal sa honeymoon nila…

ayan na!

teka, may papel pa palang nakabalot… ayan na!

sandali, eto na yun?!?!
eh malaki pa yata dito yun pandesal na kinain ko kaninang almusal eh… yun gulay parang si freddy krueger pa yata ang nagtabas… masmakapal pa yun cheese kesa dun sa karne… atsaka yun karne, eh eto rin yun ginamit nila sa pinakachipipay nilang burger meal eh…

kaso binayaran mo na eh, kaya kinain mo pa rin… ang sarap ng ketchup…
[sorry kung medyo exagerated… pero aliw di ba?]

**************

i mean, its been months since huli ko syang nakita [in person]… pero i’m soooo convinced dapat bigyan ko nang chance ang sarili ko na “diskartehan” ang girl na to, kasi ibang klase sya talaga… sa tingin ko kasi, eto yun mga tipong matinong girl na di ka magsisisi na pakasalan…

sa tingin ko… yun nga lang, sa tingin ko lang

dahil sa isang picture ng burger, on-hold ang lovelife mo?

ayan ang problema eh, naiinlove ka imahe na nalikha ng isipan mo, ng imahinasyon mo, sa loob ng mahiwaga mong mundo na walang ibang tao kundi ikaw at ang mga nalikha mong pictures ng burger…

at hindi sa totoong pagkatao ng babaeng nagugustuhan mo.

**************

pero anong malay mo, katulad nun isang pwesto sa may megamall food court na nagseserve ng sizzling chicken meals… meron silang mga nakadisplay na plastic replica nun menu nila… tinanong nun isang classmate ko dun sa nasa counter, “ate, ganito ba talaga ang itsura nito kapag inorder ko to?” sabay turo sa isang plastic na platong may plastic na gulay at plastic na manok…

“opo sir!” sagot nun nasa likod ng counter…
“talaga lang, ha?”

ang tinapang buhay, nun dumating ang order namin, kamuka nga! as in kamuka talaga.… kung gaano kalaki yun manok na plastic, ganun din kalaki yun binigay sa min… apaw sa pinggan eh…

[at in fairness, masarap yun chicken nila na may pineapple…]
[which reminds me, dapat i-check ko kung andun pa rin sila sa sm megamall food court… pag uwi ko]

***************

malay ko ba… pag-uwi ko, plastic na manok pala ang dadatnan ko at hindi picture ng burger…

.
.
.
—————————–
[original post: 22.12.2007]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: