vanilla

white, plain, unflavored.

upload complete

Posted by vanilla on Saturday, 17 May, 2008

[ This was a triumph… i’m making a note here: huge success… It’s hard to overstate my satisfaction… ]

ayos, natapos ko ang pagtransfer ng mga napili kong posts ko sa friendster blog ko… medyo weirdo nga, kasi kahit ako ang sumulat ng mga post na to, minsan binabasa ko pa rin sya paulit ulit, natatawa pa rin ako… grabe, ang galing ko talagang magsulat… ako na yata ang susunod sa yapak ni jose rizal… grabe, ang galing ko talaga, sobra…

pero sa totoo lang, meron pa rin mga parte ng posts ko na parang nire-regret kong sinulat ko… minsan, parang masyadong mababaw, o korny, o pwersado masyado… kaso nasulat ko na yun… gusto ko man baguhin, wala na, di na pwede… nalagyan ko na ng tuldok sa huli ng mga sentence eh, wala na, period, no erase…

[although may mga minor editting pa rin akong ginawa, but mostly on typo errors lang at spacing, i HATE it kapag masyadong dikit dikit ang mga paragraphs/statements, unless kelangan talaga sya para sa mood ng post ko, katulad nung sa venting// … ]

[ but there’s no sense crying over every mistake… you just keep on trying until you run out of cake… ]

kaya nga “repost” ang salitang ginamit ko at hindi “revision” … ang gusto ko naman talagang gawin ay i-preserve ang mga ginawa ko dati, bilang paalala ng mga nangyari sa life ko, at ng mga ginawa kong kabulastugan dati… para makita ko kung ano ang corny sa comedy, kung ano ang pilit sa kusa, at higit sa lahat, kung ano ba talaga ang blog na ito…

[ so I’m glad I got burned, think of all the things we learned for the people that are still alive… ]

kung pagkakamali lang naman ang pag uusapan, eh ang dami ko nang kasalanan sa sarili ko… mga pangakong nabaon sa kalendaryo, planong nalukot sa sulok ng isip ko… pero salamat naman at laging may dumarating na mga paalala [sa gusto ko man o hinde] galing sa itaas… dahil dun, kahit papano, sa kabila ng built-in na pagkamongoloid ko, eto at ayos naman, kahit papano may improvement ang personality ko…
[at least sa pakiramdam ko]

[ I feel FANTASTIC and I’m still alive… ]

ngayong tapos na ang misyon, pwede nang ituloy ang paggawa ng masmaraming basura sa internet…

—————

[ song lyrics inside the square brackets are taken from “still alive”, the song in the end credits of the game “Portal” ]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: