vanilla

white, plain, unflavored.

MASHER express

Posted by vanilla on Monday, 26 May, 2008

siguro nga ito ang tamang gawin… siguro nga, di kita dapat mahalin…

pakiramdam ko, para akong may cancer, at isang linggo na lang ang buhay ko… pero masmatindi pa to kesa mapaglamayan kasabay ng lagutok ng bawat nguya ng korniks at paghigop ng zesto at kape, kasi gising ka pa rin eh, nakakulong sa kabaong, nakatitig sa kisame, nakadungaw sa maliit na bintana, dinaraanan ng mga taong kilala mo, iniiyakan…

kaso ang masakit dun, yun kaisa isang taong gusto mong makitang umiyak, wala dun…

tapos ililibing ka nila sa ilalim ng lupa… sarado na ang munting dungawan mo, pero naririnig mo pa rin ang mga tao, sumisigaw, umiiyak, nagkukwentuhan… kilala mo ang mga boses nila… bawat isa, kaya mong bigyan ng pangalan, at nang tignan mo ang checklist ng mga inbitado sa libing mo, lahat andun, pwera lang ang isa…

kagabi, para akong nailibing, madilim pala sa kwarto ng pinsan ko kapag gabi…

madilim… nakakasakal, para kang nasa loob ng isang bangungot, hinahabol ng service crew ng burger king, service crew na may pakpak, mascara at blush-on, pero kahit san ka tumakbo, lumiko, nasa likod mo pa rin sya… alam mong kelangan mong gumising, pero idilat mo man ang mata mo, di mo matakasan, dahil parehong dilim ang makikita mo, walang pinagkaiba kung idilat mo man o ipikit mo ang mga mata mo…

libing, ilibing… dapat bang ilibing ang mga bangungot?

halos isang taon kang naghintay, naghintay para lang makita sya, kahit alam mong laban sa desisyon mo ang buong universe…

dahil sa totoo lang, ang bangungot na ito… ito ang panaginip na matagal ko nang hinihintay… 10 months’ worth of sleep, everynight naghihintay ako, sana mapanaginipan ko sya…

at eto na, at live action pa, hindi lang sa tv sa loob ng isip mo ito pine-play… real life to, kid…

—-

ilang araw na lang, sabado na… hindi jollibee ang pupuntahan mo, kundi isang hukay sa lupa… yun lupa, imported sa indonesia, ang naghukay, mga indianong construction workers, at pinoy yun arkitekto…

[chinese yun financier]

pero sa ilalim ng hukay na yun, ipipikit ko ang mga mata ko, at mananaginip… na sana, katabi ko sa jeep yun nilalang na may pakpak, mascara, at blush-on…

at syempre, sagot ko ang pamasahe, kasi yun lang ang kaya kong ibigay ngayon para sa kanya…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: