vanilla

white, plain, unflavored.

karton

Posted by vanilla on Friday, 13 June, 2008

mahirap pa lang tumira sa loob ng kahon… lalo na at nilagyan ko pa ng masking tape yun takip para hindi manakaw yun laman ng karton… sa totoo lang, gusto ko sanang tanungin yun may-ari ng tindahan kung pwedeng lagyan ng butas yun kahon para may makita naman ako sa mundong ibabaw… sinubukan kong tawagin sya para butasan tong kahon, kaso mukang hindi narinig yun boses ko… busy siguro, baka maraming customer ngayon, o baka may inaasikaso lang na ibang bagay…

kaso ang dilim dito, atsaka mainit… kahit isang butas lang sana, pwede na… basta yun pwedeng kong masilip kung andyan pa ba yun may-ari ng tindahan, kung malakas ba ang benta… basta yun pwedeng kong marinig yun boses nya, habang kausap nya yun mga bumibili sa tindahan, o habang nakikikanta sya sa radyo… para pwede ko rin syang kausapin, pero ayoko din mag-ingay masyado, baka sya mairita sa kin eh…

kahit isang butas lang, para lang makahinga naman ako dito sa loob…

kasi sa totoo lang, pwede ko naman na tanggalin yun masking tape sa takip para makakawala ako sa kahon na tahimik, mainit, madilim… at sa totoo lang, parang gusto ko na rin lumipat dun sa estante sa pader, kung san nakatapat sa bintana, maganda ang view, at presko dahil mahangin dun… gustung gusto ko nang tapyasin tong masking tape sa kahon eh, kaso…

kaso nangako akong dito lang ako sa loob ng kahon eh…  gustuhin ko man magpaalam na ilipat na lang ako sa estante sa pader, di naman nya naririnig yun boses ko kasi walang butas yun kahon…

minsan pa nga, sinusubukan kong idikit yun tenga ko sa pader na karton, baka sakaling marinig ko yun boses nya, malaman kung ano na bang nangyayari sa labas, ano nang ginagawa nya, busy ba sya, o namomoblema sa mga may utang sa tindahan.. pero wala, wala akong marinig… mukang itinulak nya yata ang kahon ko sa loob bodega, kaya siguro hindi ko na nararamdaman na andyan pa sya… kaya siguro hindi nya narinig ang pagtawag ko, ang paghingi ko ng isang maliit na butas…

pero matagal pa naman ang expiration date ko eh… dito lang ako, naghihintay, maghihintay… laging nakadiin ang tenga sa mga haligi ng bahay na karton, naghihintay sa mga yapak ng mga tsinelas, na lalapit at magtutusok ng lapis sa gilid ng kahon, na syang magbibigay ng kahit kaunting liwanag sa madilim kong bahay…

2 Responses to “karton”

  1. vanilla said

    ang puso ko…
    [naks, ang drama…]

  2. Sousuke said

    Ano ba laman ng kahon?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: