vanilla

white, plain, unflavored.

gutom/pagod/takot

Posted by vanilla on Saturday, 19 July, 2008

mabagal.
mahaba.
matagal.

ganyan ang pakiramdam ko sa bawat araw na lumilipas, simula nun mag-“fasting” ako nung isang linggo [nang hindi sinasadya]… ni hindi ko nga alam kung tama ba yun mga napag-isip-isip ko nun araw na yun… mahirap paniwalaan ang mga naiisip ng mga taong gutom, malaki pala ang epekto ng status ng sikmura mo sa katinuan ng isip mo…

napanood ko nga sa discovery dati na medyo nagiging paranoid ang mga taong gutom, dahil sa mga nangyayaring rambol ng mga chemical sa loob ng katawan natin…

pero sa mga nagdaang mga araw, kahit nakakain ako sa oras, at busog na busog pa, di ko maitanggi na mukang may tama sa mga naisip ng gutom na jayvee… baka dapat di ko na idawit pa ang dalawa mong kaibigan sa gulo kung san pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa iyo… sabihin na natin na malinis at napakaganda ng intensyon ko sa pagtawag ko sa kanila, kaso lately parang itinututok na nang Langit ang red light sa muka ko eh, kaso ewan ko ba kung bakit nagiging color-blind yata ako…

lalo na yun sa tungkol sa iyo… di ko talaga maintindihan minsan ang sarili ko, bakit ba di kita mabitiwan, kahit na tubig at panahon ang naghihiwalay sa atin, at sa totoo lang eh meron naman iba pang mga babaeng masconvenient na maging leading lady ng blockbuster na pelikula ko…

actually ngayon, medyo payapa na ang kulo ng sikmura ko… lalo na sa isip at dibdib ko… medyo nalilibang sa iba’t ibang mga napagti-tripan ko ngayon sa mundo… pero gaya ng dati, naiisip ko pa rin na tumawag sa 2 friends mo, pero di ko naman naitutuloy ang pagtawag [minsan sa sarili kong desisyon, minsan hinde]… at yun i-dial ang phone number mo, natetempt pa rin ako, pero iniisip ko na lang na ang makakausap ko na naman ay si Miss Kring Kring, at siguradong ang isasagot nya sa akin ay “sorry, the telephone number you dialed is either unattended, or unavailable…”

sa dalawa mong kaibigan, sana pilitin nyo pa rin na makamusta paminsan-minsan yun adik nyong kaibigan, kahit na super busy yun, kahit na masmadali pang macontact ang presidente ng united states kesa sa babaeng yun, sana subukan nyo pa rin… huwag sana mawala o mabawasan yun friendship nyo na matagal tagal nyo na rin naingatan…
[at least sa pagkaalam ko]

at sa iyo naman, binibining super busy, ewan ko ba… parang gusto kong i-wish na magkaboyfriend ka na, tapos ipagkalat mo sa buong mundo, para malaman ko… siguro yun ang pinakamabilis na paraan para mapilitan akong mag let go sa iyo… ewan ko ba… sa totoo lang, medyo iniiwasan ko na ang pictures mo, at medyo nakakalimutan ko na rin ang eksaktong itsura ng muka mo, at nato-trauma na rin akong i-dial ang phone number mo, at sa isip ko ay nagbabago na ang tono ng boses mo…

eto siguro ang totoong hirap ng pagmamahal na may dagat at langit sa pagitan ng mga mundo nyo… lalo na kung ako lang naman ang talagang nagdeclare sa buong universe ng nararamdaman ko…

nagugutom ang puso, napapagod ang damdamin, natatakot ang isipan sa mga pwedeng mangyayari…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: