vanilla

white, plain, unflavored.

linggo

Posted by vanilla on Sunday, 24 August, 2008

sa labas, umuulan… ang tagal ng alas-sais ng hapon… sa oras na yun, aalis ako ng bahay, muling magsusuot ng badge number 13756… dose oras, maraming minutong dapat ang laman ng isip ko ay trabaho, pero kung wala lang talaga akong sense ng respeto sa trabahong to, yun na siguro ang huli kong gagawin dun…

[ magkukulong ako sa maintenance room, magsusurf ng internet hanggang alas otso ng umaga]

patay ang electric fan, malamig naman eh… kahit namimiss ko ang ugong ng makina ng maalikabok na bentilador, ayos na rin, para di na masyado lamigin ang paa ko… malamig ang sahig, tiles na kulay blue… mag-isa sa kwarto, sarado ang pinto, tanging kasama ang computer na pinaghirapan kong ayusin ng halos tatlong araw…

na naman… eto na naman yun pakiramdam… parang ang laki-laki ng mundo… para bang yun feeling mo, naiwan ka ng magulang mo sa loob ng shopping mall, nawala ka, parang lahat ng tao higante, puro bewang ang nakikita mo… takbo dito, lakad dun, bewang na naman… iisang bewang lang naman ang hinahanap mo, yun may mantsa ng sipon mo, lagi mo kasing pinapahid ang ilong mo sa palda ng nanay mo, iyaking bata…

mag-isa, naghahanap ng kausap…

meron naman telepono, ba’t di mo tawagan ang mga kaibigan mo? ayos lang sana eh, kaso ibang boses ang gusto kong marinig… salamat nga sa kanila, kahit papano nababawasan ang lungkot, ang pangungulila ko, tuwing makakausap ko sila…

pero iba pa rin yun pakiramdam kapag boses mo yun naririnig ko… tumitigil ang mundo, ang ngiti, kahit pilit kong itago, ayaw papigil… may butas sa puso kong natatapalan ng vulcaseal… may bubong na naman akong panlaban sa mga bagyong bumubuhos sa loob at labas ng pagkatao ko…

minsan nga naiisip ko, masmadali pa yatang hilingin sa langit na manalo ako sa lotto eh, kasi numero lang ang kelangan na gawan ng magic eh… eh kapag hiniling ko sa Diyos na sana makausap kita, kelangan pang maniobrahin ang oras at pagkakataon, para tama ang timing ko sa pagtawag ko sayo, at syempre dapat walang ginagawa sa oras na nagdial ako ng phone number mo, atsaka nasa mood ka para makipagkwentuhan ng walang katuturan… para na rin akong humiling na sana bukas ng alas-diyes ng umaga ay umulan, para madaling matulog sa umaga, yun dapat eksakto na pagdating ko sa bahay, atsaka pa lang uulan, tapos hanggang mga alas-sais ng hapon, para di ko kelangan magdala ng payong papuntang work…

kelangan din Niyang gumawa ng paraan para matawagan kita [sira kasi phone mo eh], ewan ko kung pano yun… sana may mahulog na bagong Nokia 3230 mula sa langit [sana nakabox pa], diretso sa kwarto mo… o kaya manalo ka sa isang contest na ang premyo ay isang Nokia 3230…

[super low budget naman yun magpapacontest ng ganun]

at higit sa lahat, kelangan pang hipuin ng Kamay ni Lord ang puso mo, para sa pagtawag ko sayo, tanggapin mo ang tawag ko… kahit na pagod ka galing trabaho, o kaya may ginagawa ka sa bahay, o may katext kang ibang tao…

kasi minsan, pakiramdam ko, masmadali para sa Diyos na gumawa ng winning number ng lotto kesa kumbinsihin kang may taong nakaka-miss sayo…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: