vanilla

white, plain, unflavored.

malungkot/masaya?

Posted by vanilla on Sunday, 24 August, 2008

kung iisipin mo, kapag kasi tinignan ko tong blog ko, parang sobrang miserable naman ang buhay mo, ginoong inamac… pero ewan ko, hindi naman ah…

wala lang, parang napag isip isip ko lang… kasi halos lahat ng post ko dito, may halong lungkot, depression… baka iniisip ng ibang nakakabasa nito [as if may nagbabasa naman talaga ng blog mo… karamihan naman ng “visitors” mo eh naligaw lang sa internet ] eh isang kang taong tinambakan ng langit ng kamalasan at kalungkutan…

eh siguro, hindi lang talaga ako enjoy gumawa ng masayang post… sa pagkakatanda ko, iisa post pa lang dito ang talagang may halo na tonong masaya… at aba, halos lahat, tungkol sa pag-ibig, anak ng tinapa… masmadali lang siguro para sa kin na gumawa ng metaphors at mga pasikut-sikot na kwento kapag ako’y malungkot at inlab…

naalala ko tuloy yun nilagay ko dun sa post kong “upload complete” — ano nga ba talaga itong blog na ito? sa totoo lang, nun sinulat ko yun post na yun, parang di pa ko sigurado kung ano ba talaga ang eksaktong silbi ng blog na ito… ngayon ko lang siguro talaga masasabi kung anong silbi ng blog na ito… at yun ay para may makadiscover sa kin na pwede pala akong maging manunulat sa showbiz section ng mga tabloid para may mapagtaguan ako ng mga lungkot, hinanakit ko sa buhay… para hindi ko na sila kelangan pang laging dalin araw araw… para masmadaling ngumiti araw araw…

atsaka ngayon nalaman ko  na maganda rin palang itinatago ang mga nararamdaman mo sa isang online fruit salad na gawa sa mga salita at letra, kasi kapag nabasa mo sila, masnaiintindihan mo kung sino ka… makikita mo kung gano kataas[o kababa] ang tingin mo sa sarili mo, kung anong mga bagay ang mahalaga sa yo… at mula dun, kumukuha ka ng bolpen o liquid paper, para sulatan ang mga patlang sa pagkatao mo, o para burahin ang mga pagkakamali mo…

[although hindi sya madaling gawin… minsan kelangan mo pang basahin ng 3 o masmarami pang beses, o kelangan pang may mangyaring extraordinary sa buhay mo, bago mo masmaintindihan ang post na ikaw mismo ang gumawa]

hmm… sa totoo lang, ayos naman ang buhay ko eh… after ilang years, magkakasama na ulit ang family namin… hindi naman kami kinakapos sa araw araw… yun nga lang, di naman lahat ng bagay na gusto mo, na sayo na ngayon… kaya siguro ako napapadalas ng pagpopost, kasi nalulungkot ako, kasi nararamdaman mo ang hirap ng pagsisikap na mahanap ang mga bagay na gusto mo, katulad ng pag-ibig…

pero, ang masmahalaga, sa kabila ng lungkot na ito, heto ka, hindi sumusuko sa paghahanap…

One Response to “malungkot/masaya?”

  1. isangtaongnapadaanlamang said

    ang lungkot. sobrang lungkot naman ng blog post mo pero tagos sa puso. tama ka, naligaw nga lang ako sa blog mo. but I can’t help but comment. siguro kasi malungkot din ako. wala lang… ang lungkot. alam mo, kung ano ang mas malungkot? yung tipong andyan na pinawalan mo pa. tapos, noong panahong hinahanap mo sya eh hinahanap ka rin pala niya. yun nga lang, hindi kayo nagkita. hanggang sa lumipas na lang yung panahon. tapos nag-usap kayo uli. only to discover na mag panahon palang naghanapan kayo. aaahhhh… pasensya na ang haba ng comment ha. sa tingin ko, kailangan ko rin ng blog na tulad nito… sad blog. hay… ayun. someday, i hope you’ll be happy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: