vanilla

white, plain, unflavored.

sisi

Posted by vanilla on Tuesday, 16 December, 2008

[original draft: july 26, 2008… sayang naman kung hindi ko ipapublish…]

————————————-

masakit.

ganun ba ko ka-sama? ano bang kasalanan ko? alam kong wla akong karapatan magalit, pero tao ako, at natural ang makaramdam ng galit…

ang hiniling ko lang naman ay marinig ang boses nya… patawarin mo po ako, Bossing, ngayon lang, eto mismong pagkakataon na to, pagbigyan nyo kong magalit sa buong mundo… gusto ko man isama kayo, alam ko mali, kahit ang buong mundo na lang ang makalaban ko, hwag ka na lang sumama sa kanila…

alam ko kaibigan ko sya… alam nyang higit pa sya dun para sa kin… boring ba kong magkwento? masyado ba kong weirdo? masyadong payat? walang sense akong kausap? dahil ba dagat at langit ang layo ko sa kanya? dahil ba masyado akong matanda para sa kanya?

masakit… itinago ko sa kahon ang puso ko, para sa kanya, para sa isang tinig na tumutulay sa alambre, walang mukha… para sa isang kasaysayan ng isang babaeng bumaba sa bundok at sumugod sa lunsod…

masama ba kong kaibigan? tatlong tinig, ni isa, walang nagsabi… dahil siguro alam nilang di naman ako maniniwala… tanga ang pusong umiibig, lalo na kung daang kilometro ang naghihiwalay sa pusong pinaglalaanan ng pagsinta…

masakit… dalawang linggong kumikiriring ang mga telepono… mukang huli na nang maalala ko ang natutunan ko ilang taon na ang nakakalipas… sa pag-ibig, may mga pagkakaibigan kang masisira… sinumpa ko, ayoko nang maulit yun… eto na, nakasira na naman ako sa pangako ko…

Diyos ko, bakit ganito? minsan na nga lang ako magmahal, ni hindi pa nga halos nagsisimula, mawawawakasan na ba? pasensiya na po talaga, di ako makasigaw eh… marami pang tanong na umuugong sa ulo ko, gusto kong ubusin lahat… gusto kong isigaw lahat, isa isa, kahit alam ko walang sasagot…

wala akong karapatan magalit sa kanya… tao syang may sariling pasya… syempre, wala na naman akong pwedeng kagalitan kundi ang buong mundo, o ang sarili ko… walang kwentang kalaban ang buong mundo, lugi ka eh, ten trillion billion na mga nilalang laban sa isang payatot na nerd… masmadaling magalit sa sarili mo…

pero ewan ko, parang di kayang awayin ang sarili ko ngayon… ang kasalanan ko lang siguro talaga, kasi andito ako sa hinayupak na lupang ito, na nababalot ng semento at damo, pinaghaharian ng salapi at pawis ng mga alipin… mukang nadamay na ko sa sumpa ng paglayo sa lupang sinilangan… sa paglayo mo sa inang bayan mo, siguradong aasenso ka, kapalit ng luha at dugo…

ang tanging hiniling ko ay marinig ang boses nya… nun ko lang naintindihan panong nagpaglalapit ng mga kable ng telepono ang mga pusong nauuhaw sa pagmamahal…

kahit na ako lang ang naghahanap sa kanya, umaasa sa pag-ibig na walang katiyakan, isinugal ko ang buong puso ko, at eto ngayon, inaaani ko ang abo ng isang pusong iniregalo, na iginatong sa kalan…

wala na rin kwentang magtanong, at wala naman sasagot… kung may sagot man, siguradong di ko rin maiintindihan… wala na rin kwentang magmakaawa, tapos na ang kaso, ibinaba ang sintensya, hinila na ako papalayo sa korte, at isasalang sa kalan…

ang hiling ko lang naman ay marinig ang boses nya…

.

.

.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: