vanilla

white, plain, unflavored.

pangarap

Posted by vanilla on Tuesday, 23 December, 2008

may nagsabi sa kin na dapat daw isulat mo ang mga pangarap mo, para lagi mong nababasa… para lagi mong naaalala kung san ka papunta… para kung tinatamad ka na, o napapagod na, meron kang paghuhugutan ng extrang lakas…

kaso ayoko sa papel, malamang maitapon ko lang yun sa basurahan… masmaganda dito sa blog, kasi binabasa ko naman ito paminsan minsan eh… [ako lang naman yata ang nagbabasa nito eh ]

medyo marami akong oras ngayon para pag isipan kung ano  ba talaga ang pangarap ko [ pero nakakatamad palang mag isip kapag meron kang oras mag isip]… pero sa dami pala ng gusto kong gawin sa buhay ko, iisa ang laging nangunguna, at nagpapasakit sa ulo ko…

pano ba ko makakauwi ng pilipinas?

pero kung iisipin mo, kabaliktaran ito ng pangarap ng milyon milyong mga pinoy… pero sa dami ng gustong kong magawa sa buhay, sa dami ng nabubuong plano sa ulo ko, ito ang problemang paulit ulit kong pinipilit na magawan ng solusyon…

pano ba ko makakauwi ng pilipinas?

kahit na buo na ang family ko dito sa SG, at di hamak na maskomportable ang buhay dito, di pa rin mawala sa isip ko ang magulo, mabaho, at nakakatakot na tambakan ng kamalasan, yun basurahan na tinatawag na republika ng pilipinas…

sandali… bakit ba gustung gusto kong umuwi ng pinas?

dahil ba andun lahat ng “bespren mo du-on” ? dahil masmagaganda ang palabas sa tv doon? dahil siguro masmasaya ang buhay sa pinas? [pag meron kang pera…]

sa laman pa lang ng blog na ito, kita na ang sagot eh…

para ngang nakakahiyang aminin, pero eto ang lumalabas na pinakamabigat na dahilan kung bakit ako nangangarap na mabalik pa ng pilipinas…

pag-ibig.

pag-ibig na hindi ko alam kung meron patutunguhan…

kaso aminin ko man o hinde, hindi ko maipagkakaila na walang ibang bagay na may masmabilis na epekto sa pagpukaw ng damdamin ko… ang maisip na makauwi ako sa pinas, at magkaron ng pagkakataon na mapalapit lalo sa kanya…

pero ang dami pang mali… ang dami pang kulang… ang dami pang dapat gawin…

at hindi ako alam kung sapat ang oras ko para punan lahat ng blanko sa test paper ng pagkatao ko… baka abutan ako ng uwian bago ko matapos ang exam…

[pinish or not pinish, pass your paper…]

baka di ko na sya abutan…

pero naniniwala ako sa mga tandang pinakita sa akin… may pag-asa pa… hangga’t binabatukan pa ako ng langit sa tuwing malapit na akong sumuko, may pag-asa pa…

at bilang deklerasyon ng baliw kong pangarap, inihahayag ko mula sa munting sulok ko sa internet, na GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA  MAGING KARAPAT-DAPAT AKONG UMUWI NG PILIPINAS PARA ALAGAAN SYA.

sa dami ng pagdaraanan ko, alam kong manghihina ako, at laging mapapasok sa isip ang pagsuko, pero paulit-ulit kong isisigaw sa bawat dalangin, mula  sa bawat kanto ng utak ko, ang tatlong salitang nagbibigay ng tulak sa bitak-bitak kong pagkatao:

PARA KAY SHERMA.

.

.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: