vanilla

white, plain, unflavored.

ang tatlong prinsesa

Posted by vanilla on Saturday, 20 June, 2009

Kaibigan…

Nagsimula ang aking paglalakbay sa pagdalaw ko sa prinsesang aking sinusuyo. Nasumpungan ko naman ang aking irog, ang at aking pagkauhaw sa kanya ay bahagyang napawi; ang mga alinlangan ay naparam, ang mga tanong ay naglaho…

Ngunit sa pagkakataong ito, kapiling niya ang dalawa nyang kapwa prinsesa; matalik na magkakaibigan mula pa nang itatag ang kanilang kahariang nasasakupan. Ang tatlong prinsesa, ayon sa mga nakasaksi sa kanilang pamamalakad sa lupain yaon, ay di mapaghiwalay; sa harap ng gulo, digmaan, pagkakasakit, dalamhati, sila ang siyang magkakasama, nagdadamayan…

Sa iilang pagkakataong nakasama ko ang mga prinsesa, pansin na pansin ang pagiging malapit nila sa isa’t isa; ang mga kwentuhan di matapus-tapos, ang mga halakhak na walang hanggan, biruang na walang kapaguran. Minsan nga ay nakaaabala na sa gawain ng ibang mamamayan sa kaharian ang kanilang biru’t laro, ngunit di na rin nilang makayang magalit o mainis man lamang sa tatlong prinsesa. Marahil dahil na rin sa taglay nilang kagandahan, at sa mga halakhak nilang puno ng ligaya, isang larawan ng kalayaan at pag-asa…

=============!@#$%^#$&#&*%^!@%#@$()&_&*()(%*#@$%%&*(==========

kaibigan…

sa nakita sa mga ngiti nila, ang daming pumasok sa isip ko… kaya ko kayang ibigay sa kanya ang ganitong kaligayahan? mapapatawa ko kaya syang katulad nun? anong pang maidaragdag ko sa buhay nya para dagdagan pa ang ngiting nakikita ko sa kanya ngayon? meron pa bang maidaragdag sa ngiting ganun kaligaya? may silbi ba ko sa buhay nya?


..
.

selos? insecure? masmalamang, as usual, OA lang akong mag isip… sa totoo lang naman, gusto ko silang maging kaibigan, kasi sila ang close nyang kaibigan eh… yun ngiting binibigay nila sa kanya, hinding-hinding-hindi ko kayang palitan yun… kahit maibigay ko pa sa kanya ang pagmamahal na lagpas pa sa doble ng dapat kong ibigay, hindi yun sasapat na kapalit ng pagmamahal ng mga kaibigan na katulad nila… ang tanging paraan para maibigay ko ang ganun klaseng ngiti sa kanya ay ang hayaan silang magkasama, siya at ang 2 niyang kaibigan, at hayaan silang icelebrate ang friendship nila, ang tatlong prinsesa…

siguro, ang talagang medyo nagpakirot lang sa feelings ko nun isang gabi bago ako matulog, ay yun makitang ganun sya happy… at kung iisipin, bukod pa sa 2 kaibigan nya, meron pa siyang ibang kaibigan [yun iba nakilala ko na rin], na nagpapasaya sa kanya… atsaka bukod pa sa kanila, andyan din ang mga ate at kuya nya na handang mag alaga at sumalo sa kanya sa lahat ng problema nya…

medyo napaisip lang ako: sa dami ng nagmamahal sa kanya ng ganito, kelangan pa kaya nya ang pagmamahal ko?

..
.

kaibigan…
huwag mo kong pansinin, nagda drama lang ako…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: