vanilla

white, plain, unflavored.

  • Archives

  • Recent Posts

  • Advertisements

Archive for the ‘announcements’ Category

upload complete

Posted by vanilla on Saturday, 17 May, 2008

[ This was a triumph… i’m making a note here: huge success… It’s hard to overstate my satisfaction… ]

ayos, natapos ko ang pagtransfer ng mga napili kong posts ko sa friendster blog ko… medyo weirdo nga, kasi kahit ako ang sumulat ng mga post na to, minsan binabasa ko pa rin sya paulit ulit, natatawa pa rin ako… grabe, ang galing ko talagang magsulat… ako na yata ang susunod sa yapak ni jose rizal… grabe, ang galing ko talaga, sobra…

pero sa totoo lang, meron pa rin mga parte ng posts ko na parang nire-regret kong sinulat ko… minsan, parang masyadong mababaw, o korny, o pwersado masyado… kaso nasulat ko na yun… gusto ko man baguhin, wala na, di na pwede… nalagyan ko na ng tuldok sa huli ng mga sentence eh, wala na, period, no erase…

[although may mga minor editting pa rin akong ginawa, but mostly on typo errors lang at spacing, i HATE it kapag masyadong dikit dikit ang mga paragraphs/statements, unless kelangan talaga sya para sa mood ng post ko, katulad nung sa venting// … ]

[ but there’s no sense crying over every mistake… you just keep on trying until you run out of cake… ]

kaya nga “repost” ang salitang ginamit ko at hindi “revision” … ang gusto ko naman talagang gawin ay i-preserve ang mga ginawa ko dati, bilang paalala ng mga nangyari sa life ko, at ng mga ginawa kong kabulastugan dati… para makita ko kung ano ang corny sa comedy, kung ano ang pilit sa kusa, at higit sa lahat, kung ano ba talaga ang blog na ito…

[ so I’m glad I got burned, think of all the things we learned for the people that are still alive… ]

kung pagkakamali lang naman ang pag uusapan, eh ang dami ko nang kasalanan sa sarili ko… mga pangakong nabaon sa kalendaryo, planong nalukot sa sulok ng isip ko… pero salamat naman at laging may dumarating na mga paalala [sa gusto ko man o hinde] galing sa itaas… dahil dun, kahit papano, sa kabila ng built-in na pagkamongoloid ko, eto at ayos naman, kahit papano may improvement ang personality ko…
[at least sa pakiramdam ko]

[ I feel FANTASTIC and I’m still alive… ]

ngayong tapos na ang misyon, pwede nang ituloy ang paggawa ng masmaraming basura sa internet…

—————

[ song lyrics inside the square brackets are taken from “still alive”, the song in the end credits of the game “Portal” ]

Advertisements

Posted in announcements | Tagged: , , , , , , , | Leave a Comment »

tuloy

Posted by vanilla on Friday, 9 May, 2008

********************

umm, ehem…

gusto ko sana magpost na gamit ay malalim na tagalog [check: hindi filipino, kundi tagalog ], na para bagang nagsasalita sa pedestal na mataas, na may audience na sing dami ng nasa concert ni sarah geronimo [“and… if… forever’s not enough…” ], yun tipong para kang mag aanounce na bababa ka na sa pagkapresidente [ “I… am… sorry…” ]…

o kaya naman eh gagamitin ko ang natatago kong talento sa paggamit ng matatas na ingles, you know, like, the cool thing when you make kwento in the internet… but you have to make gamit the super cool shortcuts, like IMHO, IIRC, LOL, FTW… so i can be, like, super, umm, cool?

pero ang gusto ko lang naman sabihin eh…

ililipat ko na ang blog ko from my friendster blog, dito, bago mong tahanan, sa iyong kapamilya, kapuso, kakampi, kalabasa, kabit…

i hereby declare that this blog, vani11a.wordpress.com, be open to the public to be used for the good of all, for the sake of world peace.

PS: sorry kung nakakalito na yun “vani11a” sa address ng blog ko ay gumamit ng “11” [eleven] imbes sa normal na “ll” [double “L’s” ]… taken na kasi yun normal na “vanilla” eh… gusto ko lang talagang maging maikli yun address pa di nyo makalimutan… alam kong ganyan talaga pag tumatanda eh, madaling makalimot…

PPS: for the mean time, mag enjoy muna kayo sa mga old posts ko mula sa aking emmy-nominated na friendster blog, na ipopost ko once sipagin akong mag edit ng mga luma kong posts…

Posted in announcements | Tagged: , , , , , , , , | Leave a Comment »