vanilla

white, plain, unflavored.

  • Archives

  • Recent Posts

  • Advertisements

Archive for the ‘2007 repost’ Category

friendster blog 2007 repost

hot and cold

Posted by vanilla on Saturday, 17 May, 2008

aminin na natin… di ako cool na tao..di ako marunong magbasketball, payat, subsob sa computer… halos lahat ng trip ko, ayaw ng karamihan ng mga tao…i am the quintessential geek… at ayon na rin sa natutunan ko sa paaralan, isa sa pangunahing pangangailangan ng tao ay ang pagtanggap ng kanyang lipunan…

to fit into his society.

pero sa kin lang, ayos na rin na ganito… masmadaling idistansya ang sarili mo sa mga conventions ng madla, na madalas eh wala naman silbi sa totoong buhay, o walang direktang pakinabang… basta di naman mukang basahan yun damit ko, at lumalabas naman ang likas na kagwapuhan ko sa mga sinusuot ko [walang kokontra… at walang makakakontra, blog ko to eh], ayos na…

basta nag eenjoy ako sa music of choice ko, kahit di ito kinakanta ni bea alonzo sa TV, ok lang… o kahit 2 beses lang ako manood ng sine sa isang taon, eh sa di ko talaga trip yun mga palabas eh [pero sa totoo lang tamad akong mag sine]…

eh ano ngayon kung natatandaan ko pa yun formula ng volume ng cylinder? o ng tangent, cosine at sine [ SOH-CAH-TOA ]? o kung video game adik ako?

ayos lang sana sa kin kahit di ko alam kung ano ang mga pangalan ng cast ng F.R.I.E.N.D.S… o di ko kabisado ang mga pelikula ni russell crowe, o lagi akong nalilito kung sino kina robbie williams at robin williams ang kumakanta ng nakaboxers lang?

ayos lang sana eh…

kaso…

alam mo yun, pagnakita mo sya[at least yun pictures nya]… yun dating nya… parang ano… ang cool… para bang langit ka, lupa ako… ikaw ay anghel, ako ay tao… ikaw ay salvatore ferragamo [sorry kung mali ang spelling], ako ay advan…

nakakainis… eto mismo yun feeling na matagal ko nang gustong maalis eh… at lately, parang pakiramdam ko, ayos na eh, success, bingo, jackpot na eh…

kaso nun nakita ko yun picture nya, parang hindi pa yata… ayan na naman yun pakiramdam na “naku, kelangan maging cool ako!”… which by my conscious thoughts, alam ko medyo mali, kasi masisira yun honesty ko sa sarili kong personality eh… pero, dahil na rin sa tawag ng kalikasan ng tao, ume-echo-echo pa rin sa utak ko yun mga thoughts na “grabe, man, i’m not so, like, cool!”…

pero sigurado ako, connected ang istoryang ito sa commercial ng burger sa TV… malamang mali na naman yun na project kong image sa utak ko about her… i mean, my goodness naman, kelan ba kayo huling nagkita? nag usap? nagkakwentuhan? parang ang close nyo naman kasi eh… eh hinde naman…

pero siguro, medyo nabigla at nanibago lang ako sa kanya… kasi sa tingin ko nag iba yun itsura nya sa pic nya… parang masnagmature sya ng konti… at grabe ang pose ni ate, pang model… ang cool… pwedeng pwedeng ipalit kay max alvarado na maging susunod na endorser ng maxx candy… atsaka dahil na rin siguro sa experience ko sa ex ko… she was more like a cool girl, at ako, weirdo… at talagang mafefeel mo yun difference, yun pressure na dapat cool ka rin… lalo na nun, kasi medyo pa bata pa, masmalakas yun urge na maging cool

pero bahala na, eto na yun na talaga yun gusto kong personality ko eh… walang pakialaman ng trip… sana lang, may mahalukay ako sa loob ng personality ko na magmamatch sa isang part ng pagkatao nya… ayos na yun, pwede na nang maging magandang simula yun…

bahala na… 5 weeks…

[bakit nakaitalic at big letters ang salitang cool?]

[para maxxcool.]

—————————–
[original post: 09.01.2008]

Advertisements

Posted in 2007 repost, friendster blog | Tagged: , , , , | Leave a Comment »

plastic na manok at picture ng burger…

Posted by vanilla on Saturday, 17 May, 2008

eto ang ayoko kapag may gusto kang girl na di mo laging nakakasama, o nakikita man lang.. para ka lang nanonood ng commercial sa TV… grabe, sinlaki ng kalabasa yun burger nila, na punung-puno ng karne, gulay at fertilizer… imported pa sa australia yun karne nila, at galing sa bagiuo ang gulay, yun ketchup galing germany… parang di kakasya sa bunganga mo yun burger dahil sa kapal nito, baka sumayad sa ngala-ngala mo yun kamatis…

so punta ka naman sa pinakamalapit nilang branch, at umorder ng set meal nung katakam-takam at makalawit-dilang burger nila… inilagay yun tray sa harap mo, “sir, you ordered a ____ burger, with regular coke and regular fries…”
[regular lang kasi yun burger lang naman ang gusto ko eh… atsaka wala nang budget… kulang pa nga pamasahe ko eh, kaya maglalakad na lang ako mamaya pauwi…]

sumalok ng yelo, at itinapat sa gripo ang plastic na baso… pindot, sabay lingon sa nakahelerang pakete ng french fries… nilapag sa tray mo… kaso di pa daw tapos yun burger kaya pinaupo ka muna…
[ala-chowking’s “niluluto pa” TV ad]

kuha ng straw, ketchup, at tissue… sabay hanap ng bakanteng mesa para maupuan, at doon magmukmok at magtiis hanggang dumating ang pinakahihintay na sandali ng iyong buhay: ang makagraduate ng college magkaron ng girlfriend pagdating ng mahiwagang burger mula sa kalawakan…

after 10 years, nakita mong lumabas sa counter ang isang service crew, tumatanaw ng malayo, umiikot ikot, hawak ang isang tray na puno ng nakabalot na order…

lumalapit sa yo…

palapit ng palapit…

nagkatitigan kayo.

lumagpas, di pala para sa yo yun order na yun…

tapos bumalik, sa wakas! iniabot sayo ang isang kahon na may logo ng fastfood chain na iyon… eto na, this is the moment!

tumigil ang mundo, di mo na marinig ang ingay ng mga nakaupo sa paligid mong mga konyotik na freshman sa university mo [ “magpakasaya na kayo kasi madedeblock din kayo…” ]… kahit yun busina ng mga jeep sa labas, di mo na rin marinig daw todo to the max ang excitement at energy mo para sa pambihirang burger na ito…
[actually di mo talaga maririnig yun jeep sa labas kasi aircon sa pinuntahan mong branch nila eh]

tak!
yan ang tangi mong narinig nung angatin mo ang flaps nun malutong na kahon na nasa harap mo.. daig mo pa ang excitement ng bagong kasal sa honeymoon nila…

ayan na!

teka, may papel pa palang nakabalot… ayan na!

sandali, eto na yun?!?!
eh malaki pa yata dito yun pandesal na kinain ko kaninang almusal eh… yun gulay parang si freddy krueger pa yata ang nagtabas… masmakapal pa yun cheese kesa dun sa karne… atsaka yun karne, eh eto rin yun ginamit nila sa pinakachipipay nilang burger meal eh…

kaso binayaran mo na eh, kaya kinain mo pa rin… ang sarap ng ketchup…
[sorry kung medyo exagerated… pero aliw di ba?]

**************

i mean, its been months since huli ko syang nakita [in person]… pero i’m soooo convinced dapat bigyan ko nang chance ang sarili ko na “diskartehan” ang girl na to, kasi ibang klase sya talaga… sa tingin ko kasi, eto yun mga tipong matinong girl na di ka magsisisi na pakasalan…

sa tingin ko… yun nga lang, sa tingin ko lang

dahil sa isang picture ng burger, on-hold ang lovelife mo?

ayan ang problema eh, naiinlove ka imahe na nalikha ng isipan mo, ng imahinasyon mo, sa loob ng mahiwaga mong mundo na walang ibang tao kundi ikaw at ang mga nalikha mong pictures ng burger…

at hindi sa totoong pagkatao ng babaeng nagugustuhan mo.

**************

pero anong malay mo, katulad nun isang pwesto sa may megamall food court na nagseserve ng sizzling chicken meals… meron silang mga nakadisplay na plastic replica nun menu nila… tinanong nun isang classmate ko dun sa nasa counter, “ate, ganito ba talaga ang itsura nito kapag inorder ko to?” sabay turo sa isang plastic na platong may plastic na gulay at plastic na manok…

“opo sir!” sagot nun nasa likod ng counter…
“talaga lang, ha?”

ang tinapang buhay, nun dumating ang order namin, kamuka nga! as in kamuka talaga.… kung gaano kalaki yun manok na plastic, ganun din kalaki yun binigay sa min… apaw sa pinggan eh…

[at in fairness, masarap yun chicken nila na may pineapple…]
[which reminds me, dapat i-check ko kung andun pa rin sila sa sm megamall food court… pag uwi ko]

***************

malay ko ba… pag-uwi ko, plastic na manok pala ang dadatnan ko at hindi picture ng burger…

.
.
.
—————————–
[original post: 22.12.2007]

Posted in 2007 repost, friendster blog | Tagged: , , , , , | Leave a Comment »

the bookmark

Posted by vanilla on Saturday, 17 May, 2008

Sana nandyan na lang ako
Hirap pala ng malayo
Ewan ko ba, pero sana…

Relo, iikot, kalendaryo, masusunog,
May takot man, tuloy ang sugod,
Ang damdamin, pipigilan hanggang…

Pag nagkita tayo, ang hiling ko
Wala pa sanang boyfriend, (asa pa ko)
Eh sa lupet ng charms mo, imposible…

Dapat yata kalimutan na lang,
Etong nararamdaman sayo,
Malamang may boylet ka na eh…

Adik kasi ako eh, lulon sa katol,
Nandyan naman si J____,
Ligawan mo na lang yun…

Ibenta ko na kaya katawan ko,
Gawin alipin ng mga bading,
Ang datung dadating, para makauwi na me…

Wag sana ako maunahan
Sana pagdating ko, single ka pa rin,
Ang gwaponess ko sana ay mapansin…

Yehey, natapos din ang demonyong tulang ito,
Ok ba? labo ng istorya eh…

?

—————————–

[original post: 02.11.2007]

—————————–

inspired by the song “This Ruined Puzzle” by Dashboard Confessional:

but I’ve hidden a note,
it’s pressed between pages that you’ll read if you’re so inclined.
It says, “Does he ever get the girl?”

Posted in 2007 repost, friendster blog | Tagged: , , , , , | Leave a Comment »

venting//maglabas ng sama ng loob…

Posted by vanilla on Wednesday, 14 May, 2008

[note: sorry guys, most of my last posts are in filipino… major mood swings leh…]

ahem ahem…

pu+(ng 1N# gsto kng umuiw gs2 ko syang mamkita sh$et bad trip talagaa…bakt ksi ang cute mo… sana yumaman ako… sana tumama ako sa lotto o kaya sa 4d [kahit di ako nataya]… sana anak ako ng isang hari sa di kilalang lugar [katulad ng tondo o kaya ng taytay] tapos ipahanap ako sa mga alepores nya tapos makikita nila ako sa singapore tapos tapos sasama ako sa kanila tapos mayaman na ko tapos liligawan kita tapos kakasal tayo tapos _______________ tapos magkakababy na tayo tapos we live happily ever after… syempre imposible yun, pero sana man lang mabawasan ang mga problema ko sa pera… sana tumatae ako ng pera para para malupet, kakain lang ako ng kamote tapos mayaman na ko… sana matupad yun pangarap ko, yun magkaron ng sandamukal na pera, para kaya ko rin bumili ng batmobile, yun may apoy sa tambutso… pero gusto ko tatlo yun tambutso nun akin para maskool… sana pag uwi ko wala pa syang syota, sana kahit sobrang ganda nya atsaka sobrang cute nya atsaka ambait pa, sana walang magkainteres sa kanya… siguro dapat kumunsulta ako sa mambabarang parang isumpa sya, para gawin syang kuba tapos ikulong sya sa isang simbahan [sandali, eh iglesia yun eh… ah sa istasyon na lang ng bumbero, may kampana din yata dun eh, dun sa mga luma… kahit maliit pwede na], erase, sa istasyon na lang ng bumbero tapos pagnagtagpo na ang aming landas hahalikan ko sya para mawala yun sumpa… tapos pwede na kaming ikasal kasi pareho na kaming kuba maganda [natural ang pagiging maganda kong lalaki] tapos mabubuhay kami ng matiwasay forever and ever amen…

kung may pera lang akong pamasahe pauwi uuwi ako bukas tapos didiretso ako sa kanila tapos yayayain ko syang magdate… dadalin ko sya sa umm, ah, umm, sa beach! kaso baka while on the way kami sa beach bigla kaming harangin ng mga “bata” nun isa nyang manliligaw na mukang goons [alam nyo yun, yun tipong may bigote, naka black leather jacket kahit tanghaling tapat, tapos may kotseng luma, ready para itaob at masunog o kaya para ihulog sa bangin in slowmotion] tapos kikidnapin sya, tapos kelangan kong pumunta dun sa warehouse na hideout nila [ na misteryoso kong nalaman ang lokasyon] na mag isa, pero tumawag na ko ng pulis bago pumunta dun, pero mamaya pa sila dadating kapag either narescue ko na yun leading lady ko o kaya nabaril na ako nun kontrabida… tapos mauubos ko lahat ng mga alagad nya, kasi hindi nila ako matama-tamaan kahit ang dami nilang binitawan na bala, samantalang ako dalawang tira lang, nangingisay na sila sa sahig… tapos magkakaharap kami nun goons na manliligaw, tatawagin nya ang pangalan ko ng pasigaw, “jay-vee!!!”… tapos isasagot ko ang pangalan nya, “pangalan mo!!!!” [di ko alam pangalan nya, pantasya ko lang naman to eh], tapos sisigaw sya ulit, pero ngayon isang malupet na dialog na, tulad ng “buburahin kita sa ibabaw ng mundo!!!”… sisigaw naman ako ng malupit na linya, katulad nang “kapag puno na ang salop, sa simbahan din ang tuloooy!!!!” tapos sabay kaming lalabas at magpapakawala ng maraming bala… syempre panalo ako kasi ako ang bida, tapos dadating na yun mga pulis kasi tapos na ang aksyon at natalo ko na yun kalaban… tapos sasagipin ko yun nakatali kong minamahal tapos magyayakap kami [sana may kiss pa] tapos tuloy yun bakasyon namin sa beach, kasama yun backup dancers ni ate vi sa channel seven pati na rin yun sa show ni sharon cuneta sa channel 2 para samahan kaming sumayaw sa beach [may choreography pa! ] habang kumakanta ng “kapag tumibok ang puso” ni donna cruz…

ewan ko ba kung bakit ako nagpapakaengot na naghihintay ng panahon para magkaron ng pagkakataon na makita sya ulit, pwede naman dito na lang maghanap at manligaw… engot talaga ako…

[kapag tumibok ang puso// wala ka nang magagawa kundi sundi ito// kapag tumibok ang puso// lagot ka na (lagot ka na) // siguradong huli ka! ]

^

[awitin habang sumasayaw kasabay ng octoarts dancers at universal motion dancers sa tagaytay o kaya sa beach]

—————————–

<original post: 10.06.2007>

Posted in 2007 repost, friendster blog | Tagged: , , , , | Leave a Comment »

the end

Posted by vanilla on Wednesday, 14 May, 2008

the end.

yan ang nangyari sa hay-bu ko ngayon agosto, taon dalawang libo at pito… actually nasa impyerno ako ngayon, umupa lang ako ng computer sa cyber cafe ni satanas [oo patok din ang online gaming dito… lalo na yun ragnarok] kahit medyo mahal [35Php kada oras, pero 30 lang kung member ka]…

hinde… actually buhay pa ko, pero may nag- “the end” sa kin.. yun isang mahaba at malabong kabanata sa buhay ko… na may kinalaman sa saging… medyo weirdo lang kasi ang bilis ng recovery period… kala ko babaha ng hanggang tuhod sa banyo namin sa kakaiyak ko eh, [naghanda na nga ako ng de-lata at baterya ng flashlight eh] pero wala ngang pumatak eh, kahit isa, wala…

at ang masweird, mukang may bagong kabanata agad… astig… pero medyo malabo ang magiging istorya nito.. panigurado yari na naman ako kay billy christian braza pag nalaman nya ang kwentong to… [<- classmate ko nun college na historical kung mang asar]…

sana kaya kong pigilan ang sarili ko… sana may distraction akong makita dito, pero mukang malabo yun… ayan, aandar na naman ang over active kong imahinasyon… for six months? baka nga abutin pa ng isang taon… anak ng tinapa, kayanin ko kaya? dapat nga cguro di ko ituloy to eh… labag sa batas ni onizuka to eh… pero kung iisipin mo, di naman ganun kalayo eh… at talaga naman nakakaimpress ang background nya… di pangkaraniwan…

tignan na lang natin sa susunod na paglalakbay ni kapitan inamac sa lupain ng mga kawatan…

sabi nga ng nanay ko, “balibaliktarin mo man ang mundo, kung kayo talaga, sa huli kayo pa rin…”

eh yun isa, nun bumaliktad yun mundo, nalaglag… bahala na nga…

—————————–

<original post: 09.01.2007>

Posted in 2007 repost, friendster blog | Tagged: , | Leave a Comment »

ang pakikipagsapalaran ni jv at ng mahiwagang gulay

Posted by vanilla on Saturday, 10 May, 2008

i really feel weird… mahirap huminga, tuliro, ang hirap ipaliwanag… although hinanda ko na rin ang sarili ko na malamang mangyayari to, iba pa rin yun impact eh… pagkatapos dumating nun signal nun message sa utak ko, mga 1 minuto pa ang lumipas bago ko naisa-isa yun bawat salita sa pangungusap…

pero parang nirereject ng utak ko na iprocess yun literal meaning nun pangungusap na yun…

[kaya sa susunod bawasan ang txt-talk sa mga message sa kin…]

although nakikita ko yun mga salita, bawat letra nya, na lumulutang lutang sa ibabaw ng utak ko, parang ayaw parang kagatin ng isip ko na totoo yun…

kaso dalawa silang nagsabi nun sa kin eh…

parang sa loob ng 5 minuto, bigla mong mararamdaman na nabawasan [nawalan?] ka ng kapiranggot na dahilan para ituloy ang buhay mo… parang sa sandaling yun, parang paglabas mo ng building na yun, magpapalaboy laboy ka sa kalsada ng walang direksyon, parang lasing na taong grasa…

para kang nagsayang ng lagpas limang taon sa paaakalang prutas ang saging… yun pala, gulay sya…

alam mo yun, sa loob ng maraming taon, may nabubuong fairy tale sa sariling mong mundo na after ng ilang panahon, pagsubok, etc. ay magiging asawa mo yun saging, tapos mabubuhay kayo ng masaya magpakailan kailan man? pero ngayon di na pwede kasi gulay pala sya?

may mga gabi pang dumadalangin ka sa langit na sana, pagbalik mo, prutas pa rin ang saging…

pero minsan, di pa rin maalis sa isip mo na mataas ang porsiyento na magiging gulay ang saging… lalo na laging nakahalo sa calamansi at kalabasa ang paborito mong saging…

kaya ngayon, para tuloy akong nagsisisi na sana kung nasakin pa yun saging na yun, eh di sana may nasagip akong isang kaluluwa, atsaka cguro masmataba ako ngayon at di gano anti-social at anti-pop culture… cguro ngayon masmadalas akong manood ng mga telenobela sa tv…

sayang yun matapang at supladang saging…

pero kung iisipin mo, cguro, di sya kasing tapang gaya ng inaakala ko… sa huli naging gulay din sya… kasi sabi ng ibang kasama nya sa refrigirator, “gulay ka!”

pero ayos na rin na sa hipon na lumilipad ko narinig ang kwento… dalawa pa… akala ko nga niloloko lang nila ako eh… pero mukang hindi eh…

cguro ganito lang muna ako hanggang sa ilang mga susunod na mga araw… mukang normal ang buhay, pero sa loob, pakiramdam ko, natagpasan ako ng isang daliri… hindi, parang meron galing sa katawan ko ang hinalo sa bopis…

pero ibig sabihin nun pwede na kong maging malaya…

pero parang ayaw ko?

reset lahat, nakakainis… gusto mong bumalik, pero di pwede… wala ka nang babalikkan eh…

back to square one, drawing ka ulit ng bagong prince charming, bagong istorya, sa bagong papel, pantapal sa notebook na puno ng tintang sabog at flakes ng pambura…

—————————–

<original post: 08.12.2007>

Posted in 2007 repost, friendster blog | Tagged: , , , , , | Leave a Comment »