vanilla

white, plain, unflavored.

  • Archives

  • Recent Posts

  • Advertisements

random quote 2

Posted by vanilla on Tuesday, 28 October, 2008

Alam kong guwapo ako, kaso di ako mayabang eh…

wala, naisip ko lang…

Advertisements

Posted in uncategorized | Leave a Comment »

dalangin ng pusong namamanglaw

Posted by vanilla on Monday, 20 October, 2008

kung hawak ko lang sarili kong buhay, di ko nagugustuhin pang lumayo sa kanya… kung may sapat lang na lakas ang aking mga bisig, lakas-loob kong susugurin ang walang-katiyakan, mapalapit lang sa kanya…

ngunit kulang pa, napakarami pang dapat bunuin, kay dami pang dapat gawin, para patunayan sa buong mundo na isa akong kapitan, at may sapat nang lakas para hawakan ang sarili kong manibela…

lalo ngayon, sa gitna ng isang malaking kapatagan, tumingin man sa harap at kanan, likod man at kaliwa, walang ni isang berdeng puno na matatanaw…

ikaw lamang ang pag-asa ko, pagkat kung sa akin lang, suko na ako… ako na lang yata ang naniniwala sa mga pangarap na ito, walang kasalo…

pag-ibig ko’y isang sawing pag-asa, nilamon ng dagat, ng oras… pag-ibig na sana’y kaaliwan sa gitna ng mga pagsubok, ngayon latigong hinahampas ko sa sarili kong likod…

isang tinig, isang minuto… hiling na laging bigo… ngunit anong magagawa ko? pag-ibig ay isang pag-aalay ng dugo sa taong malayo, isang kalakal na walang kapalit o sweldo…

kung may butas pang natitira sa mga ulap sa langit, dingin sana ang aking dalangin… kung may butil man ng pagsinta, kahit pasaring, sa aki’y ilapit…

pag-asa’y nalulumbay, puso’y bugbog na sa kakaisip… Diyos ko, tibayan pa ang aking dibdib… malayo pa ang lalakbayin, at marami pang dapat tiisin…

tanging dalangin ko, Ama, ikaw ang laging gabay… tulungan akong pangarap ay marating… at sana, di ko man mahaplos kamay nyang aking langit, ikaw ang laging mag-ingat sa babaeng aking iniibig…

di man ngayon ang panahon na sya’y aking makapiling, tulungan mo ako, Ama, hanggang sa oras na mayakap sya, at pusong bigo’y madilig ng langit…

.

.

Posted in uncategorized | Tagged: , , , | Leave a Comment »

itim

Posted by vanilla on Friday, 17 October, 2008

dapat tungkol to sa namayapa kong sapatos eh… ang tagal ng pinagsamahan namin nun… more than 2 years… mahal na mahal ko yun…

sayang talaga…

tapos bumili ako ng bago, kasi nababasa na yun medyas ko kapag umuulan eh.

^ ayan, pwede na yan…

.

–end of message–

.

o sya, sige na, pipilitin ko nang magsulat tungkol sa nangyari sa misteryosong “payong na itim”… eto na… start!

.

ah, eh, actually ayokong ikwento yun tungkol sa nangyari sa payong na itim… masmahalaga yun nakuha ko kapalit nun…

[atsaka nakakatamad i-kwento, masyadong mahaba]

.

eto ang pinaka shortest version: yun lang ang time na naramdaman ko yun ganung feeling… yun may nagawa kang maganda sa buhay mo, yun parang may naachieve ka… para kang nanalo sa nobel prize… siguro parang yun nararamdaman ni superman kapag nakasagip sya ng buhay  ng isang batang nalaglag sa building…

sobrang overwhelming, parang pakiramdam ko may camera sa lahat ng sulok ng kwarto… para akong naghihintay ng isang tao para sumigaw ng “cut!” para makahinga na ako… ang weird, kasi di ko anaasahan na ganun ang reaksyon nya, to the point na hindi ko talaga alam ang sasabihin sa kanya…

for the first time, naranasan kong gumawa ng something na may nag-appreciate ng nagawa ko…

.

hindi naman sa walang nag aappreciate sa mga nagawa ko, pero ewan ko… siguro masyadong normal na yun makakuha ng grades na matino, at yun iba pang ginagawa ng mga normal na tao… marami din naman akong mga personal projects na gusto ko sanang magawa para matuwa ang ibang tao… yun nga lang karamihan ay hindi natapos [o nasimulan man lang hehehe ]…

yun iba naman nagawa ko, hoping na matutuwa yun taong dahilan ng ginagawa ko, pero usually ang kapalit lang naman nun ay “wow, thank you talaga!” or something like that…

[na hindi naman masama… ako nga minsan hindi nagte thank you eh hehehe]

siguro yan din ang reaksyon na inaasahan ko sa kanya nun, at yun makita kong nakangiti sya dahil sa payong  na iyon… actually, makukuntento na ko sa reaksyon na yun.

.

pero higit pa dyan yun nakuha ko.

sobra.

sobra-sobrang over pa dyan ang nakuha ko…

.

[pero walang kiss, kahit hug, wala… asa pa ko]

.

pero kahit na walang kiss/hug, sobrang ayos lang… kasi mas importante pa dyan ang nakuha kong kapalit ng hirap na pinagdaanan ko para sa payong na yun…

.

pag-asa.

tiwala sa sarili.

lakas ng loob, para gawin ang mga bagay na naiisip ko, kahit na walang naniniwala sa kin.

.

salamat ulit sa residente sa itaas, nasagot ang panalangin ko [ulit].

at syempre, salamat din sa babaeng mahilig sa Sprite. nasuprise ako sa regalo mo…

.

.

.

Posted in uncategorized | Tagged: , | Leave a Comment »

one more song

Posted by vanilla on Thursday, 9 October, 2008

.

people outside, waiting in line,
with pockets full of change,
song titles in their mind;
but i still want to go on
listening to your song,
blinking lyrics on monitors,
feedback and microphone,
glass walls, glass corridors…

.

sing one more song,
i want to stay longer,
just one more song…

.

whichever you choose, it doesn’t matter,
every coin drop, a few minutes,
every song, another moment
of your beauty upon my senses;
‘coz the songs don’t matter,
its your charms i’m after,
moments like this comes too seldom
let the world wait, and sing one more song…

.

one more song,
there’s so much of you i want to see,
just one more song…

.

and when our pockets are empty,
our roads parted,
as i roam the streets alone,
i’ll sing one more song,
and another after that;
‘coz every song’s a minute closer
to the moment i’ll be seeing you again,
my angel…
.

Posted in uncategorized | Tagged: , , , , | Leave a Comment »

birthay blues

Posted by vanilla on Monday, 22 September, 2008

^

[hinde typo yan, sadya yan… kung bakit ganyan ang spelling, 2 tao lang ang nakakaalam… ]

[walang direksyon ang post na to.. kaso lisensyado akong magkalat ngayon, BIRTHAY ko ngayon eh…]

***************

eto yun masayang part ng birthday ng isang tao, yun isusulat mo yun nangyari sa buong maghapon… kung gaano kaganda yun mood mo, grabe sa energy, na lahat ng masalubong mo binabati ka ng “happy birthday!”, yun lahat binibiro ka na manlibre ka naman…

eto na: start!

————

gumising… pumasok sa trabaho [kahit linggo ngayon]… lunch time, di nakakain sa oras kasi kelangan pang dumaan sa kapilya… bumalik sa work, ayan, lunch na… work ulit… umuwi… nagtype ng blog…

the end.

————

o di ba, super exciting? parang laban ni Manny Pacquiao at Sleeping Beauty… actually ayos nga at walang nakaalala sa birthday ko sa trabaho ko, kasi wala akong perang panglibre… ayokong mahassle na manlibre [kahit joke lang… kaso jokes are always half truths, sabi nga ng isang classmate ko]…

sa kapilya, meron nakaalala, ayos, pero ewan ko, walang “dating” sa kin.. [kasi nagtext na sya kaninang umaga, kaya wala nang thrill… pero ayos yun text nya kanina, may energy, kasi may exclamation mark… salamat ulit sa pagbati :) ]…

————

siguro ganito na lagi ang birthday ko from now on… di na celebration, kundi isang tahimik na araw, puno ng pagmumuni muni sa kung asan ako ngayon, san ako galing, san pupunta…

———–

una, salamat dun sa Bossing ko sa taas, kasi kahit papano, nararamdaman kong sinasagot nya yun mga panalangin ko, including yun #1 wish ko sa birthday ko… [halos instanteneous nga yun pahiwatig nya eh… salamat po ulit]

———–

ayos na rin at hindi itinaon ni Bossing yun “zen moment” ko sa birthday… mga ilang linggo rin ang nakalipas mula nung “sampalin” ako ng katotohanan kung asan ako ngayon, at kung paano sya naka linksa pinanggalingan ko, at kung gaano pa ko kalayo sa estadong gusto kong marating… masakit, nakakayanig, pero ayos na rin… ngayon masmaiintindihan ko na “ako”, at sa loob ng sandaling oras, kahit papano ang laki ng impact na nagawa sa akin nun “christian zen moment” na yun…

muli, salamat sa syo, Bossing…

———–

pasensya na kung super random tong post na to… ang tagal ko kasing di nagpost, nawala na yun “artistic touch” ng mga post ko…

***************

sinusubaybayan ko yun friendster profile nun isang tao na halos ka birthday… at sa totoo lang, naiingit ako sa kanya… ang daming nagcocomment sa kanya! happy birthday na ganyan, happy bday na ganito…

although meron din ako, wala pa sa 1/4 ng dami nun sa kanya… napapaisip tuloy ako, ganun ba ako kasuplado? ganun ba talaga ako ka-secluded sa mundo?

to be honest about myself, isa nga akong introvert, hindi super friendly… at matagal ko na rin tinanggap yan… siguro iba iba lang talaga ang personality ng mga tao… sana lang, matupad ko yun pangako ko sa sarili ko na kahit hindi ako super “friendly” na tao, sana matupad ko yun hope kong maging super “friendship” akong tao… yun bang maging totoo akong kaibigan… sana sa kabila ng pagiging mongoloid ko, maiparamdam ko sa mga friends ko na hindi ito “hi, can we be friends?” lang na friendship, sana mapasaya ko sila kahit sa maliliit na bagay, at walang iwanan kahit malayo na ko sa kanila…

kung baga, quality over quantity…

————

may isang tao, ang tagal ko nang hindi naririnig yun boses… gusto ko sanang makausap, pero ano naman ang sasabihin ko? pano kung bigla kaming magkita, anong ikukwento ko?

“oy, kamusta ka na? ok ka lang ba? may chika ako sayo… alam mo ba, napaso ako habang naluluto, eto nga yun peklat o…”

“alam mo ba, exciting ang araw ko kahapon… gumising, pumasok sa trabaho, umuwi, nag internet, natulog… o di ba? walang sinabi si kris aquino sa life ko… sobrang excitement!”

“uy, ang tagal mong di nagpaparamdam ah… kumusta ka na? sobrang namiss kita.. tignan mo, andito pa yun sugat ko nun naglalaslas ako ng pulso dahil sa sobrang namiss kita…”

“oy, kamusta ka na? sobrang namiss kita! ano nga ba ulit ang pangalan mo?”

………………….

sa totoo lang, di alam kung pano kita haharapin… kelangan ko na naman mag imbento ng super elaborate na mythology para ikwento sa sarili ko, para paniwalaan ko, para may mabuo akong plano kung paano kita haharapin… para may mai-transplant akong ngiti sa mukha ko kapag nagkita na tayo…

————

love is NOT a 2-way street.. huwag paniwalaan lagi ang mga sinasabi ng mga kanta…

love is a ONE-way street… a relationship is a 2-way street…

kaya kung iibig, maghanda ng extra tshirt, canned goods, at battery para sa flashlight… mahirap umibig kung ikaw LANG ang umiibig…

ang masama lang, tama naman sila eh, pwede kang sumuko… eh kaso mongoloid ako, sabi nga nun isang friend ko, masokista daw ako, masmahirap, mastrip ko daw… ewan ko…

————

pero sa totoo lang, di ko na maalala yun eksaktong mukha nya… alam ko pa yun timbre ng boses nya, pero di ko na makita yun “aura” nya, yun glow nya kapag naglalakad sya, yun presence nya…

pero ewan ko, kahit makakita naman ako ng ibang super pretty na girl, nawawala din agad yun dating, may isang ideyang pumapalit, pero ngayon, parang ang labnaw na nung ideyang yun, pero ewan ko bakit parang tumatalab pa rin…

ewan ko ba… para bang may bumubulong sa kin na meron kang itinatagong kakaiba, kahit na muka naman wala, pero laging nasa likod ng isip mo na “meron! basta maniwala ka…”

————-

dagat, kilometro, ulap, kalsada, tinta, sobre… ang layo, at di ko na marinig ang alingawngaw ng boses mo…

may takot, pangambang malimutan ka na ngang tuluyan… ang pag-asa, nasa mga panalangin, nasa isang payong na itim…

Posted in uncategorized | Tagged: , , | Leave a Comment »

malungkot/masaya?

Posted by vanilla on Sunday, 24 August, 2008

kung iisipin mo, kapag kasi tinignan ko tong blog ko, parang sobrang miserable naman ang buhay mo, ginoong inamac… pero ewan ko, hindi naman ah…

wala lang, parang napag isip isip ko lang… kasi halos lahat ng post ko dito, may halong lungkot, depression… baka iniisip ng ibang nakakabasa nito [as if may nagbabasa naman talaga ng blog mo… karamihan naman ng “visitors” mo eh naligaw lang sa internet ] eh isang kang taong tinambakan ng langit ng kamalasan at kalungkutan…

eh siguro, hindi lang talaga ako enjoy gumawa ng masayang post… sa pagkakatanda ko, iisa post pa lang dito ang talagang may halo na tonong masaya… at aba, halos lahat, tungkol sa pag-ibig, anak ng tinapa… masmadali lang siguro para sa kin na gumawa ng metaphors at mga pasikut-sikot na kwento kapag ako’y malungkot at inlab…

naalala ko tuloy yun nilagay ko dun sa post kong “upload complete” — ano nga ba talaga itong blog na ito? sa totoo lang, nun sinulat ko yun post na yun, parang di pa ko sigurado kung ano ba talaga ang eksaktong silbi ng blog na ito… ngayon ko lang siguro talaga masasabi kung anong silbi ng blog na ito… at yun ay para may makadiscover sa kin na pwede pala akong maging manunulat sa showbiz section ng mga tabloid para may mapagtaguan ako ng mga lungkot, hinanakit ko sa buhay… para hindi ko na sila kelangan pang laging dalin araw araw… para masmadaling ngumiti araw araw…

atsaka ngayon nalaman ko  na maganda rin palang itinatago ang mga nararamdaman mo sa isang online fruit salad na gawa sa mga salita at letra, kasi kapag nabasa mo sila, masnaiintindihan mo kung sino ka… makikita mo kung gano kataas[o kababa] ang tingin mo sa sarili mo, kung anong mga bagay ang mahalaga sa yo… at mula dun, kumukuha ka ng bolpen o liquid paper, para sulatan ang mga patlang sa pagkatao mo, o para burahin ang mga pagkakamali mo…

[although hindi sya madaling gawin… minsan kelangan mo pang basahin ng 3 o masmarami pang beses, o kelangan pang may mangyaring extraordinary sa buhay mo, bago mo masmaintindihan ang post na ikaw mismo ang gumawa]

hmm… sa totoo lang, ayos naman ang buhay ko eh… after ilang years, magkakasama na ulit ang family namin… hindi naman kami kinakapos sa araw araw… yun nga lang, di naman lahat ng bagay na gusto mo, na sayo na ngayon… kaya siguro ako napapadalas ng pagpopost, kasi nalulungkot ako, kasi nararamdaman mo ang hirap ng pagsisikap na mahanap ang mga bagay na gusto mo, katulad ng pag-ibig…

pero, ang masmahalaga, sa kabila ng lungkot na ito, heto ka, hindi sumusuko sa paghahanap…

Posted in uncategorized | Tagged: , , | 1 Comment »

linggo

Posted by vanilla on Sunday, 24 August, 2008

sa labas, umuulan… ang tagal ng alas-sais ng hapon… sa oras na yun, aalis ako ng bahay, muling magsusuot ng badge number 13756… dose oras, maraming minutong dapat ang laman ng isip ko ay trabaho, pero kung wala lang talaga akong sense ng respeto sa trabahong to, yun na siguro ang huli kong gagawin dun…

[ magkukulong ako sa maintenance room, magsusurf ng internet hanggang alas otso ng umaga]

patay ang electric fan, malamig naman eh… kahit namimiss ko ang ugong ng makina ng maalikabok na bentilador, ayos na rin, para di na masyado lamigin ang paa ko… malamig ang sahig, tiles na kulay blue… mag-isa sa kwarto, sarado ang pinto, tanging kasama ang computer na pinaghirapan kong ayusin ng halos tatlong araw…

na naman… eto na naman yun pakiramdam… parang ang laki-laki ng mundo… para bang yun feeling mo, naiwan ka ng magulang mo sa loob ng shopping mall, nawala ka, parang lahat ng tao higante, puro bewang ang nakikita mo… takbo dito, lakad dun, bewang na naman… iisang bewang lang naman ang hinahanap mo, yun may mantsa ng sipon mo, lagi mo kasing pinapahid ang ilong mo sa palda ng nanay mo, iyaking bata…

mag-isa, naghahanap ng kausap…

meron naman telepono, ba’t di mo tawagan ang mga kaibigan mo? ayos lang sana eh, kaso ibang boses ang gusto kong marinig… salamat nga sa kanila, kahit papano nababawasan ang lungkot, ang pangungulila ko, tuwing makakausap ko sila…

pero iba pa rin yun pakiramdam kapag boses mo yun naririnig ko… tumitigil ang mundo, ang ngiti, kahit pilit kong itago, ayaw papigil… may butas sa puso kong natatapalan ng vulcaseal… may bubong na naman akong panlaban sa mga bagyong bumubuhos sa loob at labas ng pagkatao ko…

minsan nga naiisip ko, masmadali pa yatang hilingin sa langit na manalo ako sa lotto eh, kasi numero lang ang kelangan na gawan ng magic eh… eh kapag hiniling ko sa Diyos na sana makausap kita, kelangan pang maniobrahin ang oras at pagkakataon, para tama ang timing ko sa pagtawag ko sayo, at syempre dapat walang ginagawa sa oras na nagdial ako ng phone number mo, atsaka nasa mood ka para makipagkwentuhan ng walang katuturan… para na rin akong humiling na sana bukas ng alas-diyes ng umaga ay umulan, para madaling matulog sa umaga, yun dapat eksakto na pagdating ko sa bahay, atsaka pa lang uulan, tapos hanggang mga alas-sais ng hapon, para di ko kelangan magdala ng payong papuntang work…

kelangan din Niyang gumawa ng paraan para matawagan kita [sira kasi phone mo eh], ewan ko kung pano yun… sana may mahulog na bagong Nokia 3230 mula sa langit [sana nakabox pa], diretso sa kwarto mo… o kaya manalo ka sa isang contest na ang premyo ay isang Nokia 3230…

[super low budget naman yun magpapacontest ng ganun]

at higit sa lahat, kelangan pang hipuin ng Kamay ni Lord ang puso mo, para sa pagtawag ko sayo, tanggapin mo ang tawag ko… kahit na pagod ka galing trabaho, o kaya may ginagawa ka sa bahay, o may katext kang ibang tao…

kasi minsan, pakiramdam ko, masmadali para sa Diyos na gumawa ng winning number ng lotto kesa kumbinsihin kang may taong nakaka-miss sayo…

Posted in uncategorized | Tagged: , , , , , , | Leave a Comment »

MAHALaga

Posted by vanilla on Saturday, 16 August, 2008

ano ba talaga ang importante?

sa dami ng tanong na sumusulpot sa utak ng tao… sa dami ng desisyon na kelangan gawin sa araw-araw… masmadalas sa minsan, tanong din ang naisasagot natin sa mga tanong natin…

o kaya naman, minsan pagkatapos ng maraming pagmumuni-muni, ng pakikipagtalo, ng paghingi ng mga payo, dumarating din ang sagot sa tanong mo sa sarili mo… ayos, makakahinga ka nang maluwag… pero lilipas lang ang ilang araw, minuto, ayan na, masmaraming tanong ang susulpot galing sa sagot na nakuha mo…

ngayon alam mo na, sya na nga talaga ang hinihintay mo… ok, isang malaking inhale… exhale…. ayos! minus 1 na tanong sa buhay mo… ang saya-saya na naman ng mundo…

kaso…

eh sya kaya, anong nararamdaman para sayo? baka may iba syang type na lalake? kahit minsan kaya, naalala nya ako? kahit minsan kaya, na-miss nya ko? hindi kaya naiinis na sya sa kin? masyado ba kong tahimik? madaldal? malabong kausap? boring? di kaya masyadong magkaiba ang mga mundo namin?  masyado ba kong OA sa pagta-try kong magreach-out sa kanya? may pag-asa ba talaga ako sa kanya?

teka, sandali… ano ba talaga ang mahalaga?

di ba ok na yun alam mong mahal mo sya? di ba sapat na yun malaman nyang may nararamdaman ka para sa kanya? na nag-aalala ka sa kanya? na sa kabila ng mga kilometro sa pagitan nyo, eto ka, nagmamahal kahit na may takot, may kaba, may lungkot, pero buong buo mo pa rin ibinibigay ang puso mo?

kelangan mo pa ba talagang malaman ang sagot sa lahat ng mga tanong mo sa kanya?

di ba pwedeng ibulong mo na lang sa isang anghel ang mga tanong mo, at kalimutan nang silang lahat?

oras nang dukutin ang tissue sa bulsa, punasan ang mga luha, itingala ang ulo, ngumiti, at sabihin, “oo, mahal ko sya…”

at yun na yun.

..

.

Posted in uncategorized | Tagged: , , | Leave a Comment »

gutom/pagod/takot

Posted by vanilla on Saturday, 19 July, 2008

mabagal.
mahaba.
matagal.

ganyan ang pakiramdam ko sa bawat araw na lumilipas, simula nun mag-“fasting” ako nung isang linggo [nang hindi sinasadya]… ni hindi ko nga alam kung tama ba yun mga napag-isip-isip ko nun araw na yun… mahirap paniwalaan ang mga naiisip ng mga taong gutom, malaki pala ang epekto ng status ng sikmura mo sa katinuan ng isip mo…

napanood ko nga sa discovery dati na medyo nagiging paranoid ang mga taong gutom, dahil sa mga nangyayaring rambol ng mga chemical sa loob ng katawan natin…

pero sa mga nagdaang mga araw, kahit nakakain ako sa oras, at busog na busog pa, di ko maitanggi na mukang may tama sa mga naisip ng gutom na jayvee… baka dapat di ko na idawit pa ang dalawa mong kaibigan sa gulo kung san pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa iyo… sabihin na natin na malinis at napakaganda ng intensyon ko sa pagtawag ko sa kanila, kaso lately parang itinututok na nang Langit ang red light sa muka ko eh, kaso ewan ko ba kung bakit nagiging color-blind yata ako…

lalo na yun sa tungkol sa iyo… di ko talaga maintindihan minsan ang sarili ko, bakit ba di kita mabitiwan, kahit na tubig at panahon ang naghihiwalay sa atin, at sa totoo lang eh meron naman iba pang mga babaeng masconvenient na maging leading lady ng blockbuster na pelikula ko…

actually ngayon, medyo payapa na ang kulo ng sikmura ko… lalo na sa isip at dibdib ko… medyo nalilibang sa iba’t ibang mga napagti-tripan ko ngayon sa mundo… pero gaya ng dati, naiisip ko pa rin na tumawag sa 2 friends mo, pero di ko naman naitutuloy ang pagtawag [minsan sa sarili kong desisyon, minsan hinde]… at yun i-dial ang phone number mo, natetempt pa rin ako, pero iniisip ko na lang na ang makakausap ko na naman ay si Miss Kring Kring, at siguradong ang isasagot nya sa akin ay “sorry, the telephone number you dialed is either unattended, or unavailable…”

sa dalawa mong kaibigan, sana pilitin nyo pa rin na makamusta paminsan-minsan yun adik nyong kaibigan, kahit na super busy yun, kahit na masmadali pang macontact ang presidente ng united states kesa sa babaeng yun, sana subukan nyo pa rin… huwag sana mawala o mabawasan yun friendship nyo na matagal tagal nyo na rin naingatan…
[at least sa pagkaalam ko]

at sa iyo naman, binibining super busy, ewan ko ba… parang gusto kong i-wish na magkaboyfriend ka na, tapos ipagkalat mo sa buong mundo, para malaman ko… siguro yun ang pinakamabilis na paraan para mapilitan akong mag let go sa iyo… ewan ko ba… sa totoo lang, medyo iniiwasan ko na ang pictures mo, at medyo nakakalimutan ko na rin ang eksaktong itsura ng muka mo, at nato-trauma na rin akong i-dial ang phone number mo, at sa isip ko ay nagbabago na ang tono ng boses mo…

eto siguro ang totoong hirap ng pagmamahal na may dagat at langit sa pagitan ng mga mundo nyo… lalo na kung ako lang naman ang talagang nagdeclare sa buong universe ng nararamdaman ko…

nagugutom ang puso, napapagod ang damdamin, natatakot ang isipan sa mga pwedeng mangyayari…

Posted in uncategorized | Tagged: , , , | Leave a Comment »

kring kring

Posted by vanilla on Sunday, 13 July, 2008

.

“Makikilala ba ang tinig
Pag tumawag sa teleponong
Kahapon pang walang sumasagot…”

di kaya masyado na akong nakakagulo sa super busy na buhay mo? madalas parang nahihiya na kong i-dial ang phone number mo eh… baka naman kasi nagbabait-baitan ka lang sa kin sa tuwing mag aalign ang mga planeta at nasagot mo ang telepono sa eksaktong minutong na-dial ko ang fone number mo…

pero sa totoo lang, sa pakiramdam ko naman eh mabait ka sa kin, parang welcome na welcome nga ang mga tawag ko eh, kahit mostly wala naman kwenta ang kwentuhan natin…

minsan lang talaga hindi ko maalis sa isip ko na baka masgusto mong magpahinga na lang, kesa makipagchikahan sa kin…

kaso, hindi ko rin naman matiis na huwag tumawag sayo…

“At kung sakaling sasabihin na
Ikaw pa rin sa aking damdamin
Masilayan nga ba ang ngiti sa iyong mukha?”

dapat nga siguro di ko na ginawa yun short story ko, pati na rin yun tula… dapat nga siguro hindi ko na ginawa tong post na to eh… masyadong maraming laman… kaso for me, isa itong sanity check, isang paraan para marelease ang pananabik, pagkabaliw sa isang bagay… isang bagay na di ko maabot, mahawakan, mayakap, mahalikan…

atsaka nga di ba napag usapan na natin ang tungkol sa mga ganyang mga “bagay”, at nagkalinawan na tayo kung asan ka ngayon sa buhay mo….

“Pa’no iiwasan kalimutan kang tawagan
Eh kasi..ayoko nga…walang magagawa…”

kaso ang hirap pala nung hindi ka makita, o makausap man lang… actually may isa akong kasalanan sa yo, medyo minor lang, pero sa totoo lang, hindi ko rin inakalang magagawa ko yun…

[actually mababaw yun at ang corny kaya ibahin na natin ang usapan]

pero alam mo, kahit meron naman akong picture mo [kahit papano meron naman ako, kahit medyo malabo], iba pa rin yun moment na naririnig ko yun boses mo… instant energy, parang redbull na may lipton tea bag at tinambakan ng kapeng barako, at hinaluan ng 2 egg yolk at tinunaw na multivitamins… parang drugs, kapag narinig ko na, solb na ko for the next few hours… pero hahanap-hanapin mo pa rin na parang isang basong tubig, parang toothpaste sa toothbrush, parang mainit na tubig na pampaligo sa malamig na umaga…

“At nagbakasakaling marinig
Lamig, tamis ng iyong tinig…
Masilayan nga ba ang ngiti sa ‘yong mukha?”

pero ano kaya ang nararamdaman mo kapag tumatawag ako? para ba kong isang artistang nakasalubong mo sa mall, parang dinededma lang, pero sa loob-loob lang eh nagja-jumping-jack ang mga laman loob mo? para bang akong delivery boy ng pizza, na lagi mong sinisilip sa bintana every 5 minutes kung dumating na?

o baka naman para akong isang solicitor para sa liga ng basketball, wala kang magagawa kundi buksan yun pinto, at kausapin sila, at magbigay sa puting sobre ng kahit magkano… o parang isa sa mga kapitbahay nyong nagka-karoling nun pasko… eh kilala ka nila eh, kaya mapipilitan kang makinig sa mga lata at tansan nila, na masmaganda pa ang tunog kesa sa mga boses nila, at bibigyan mo ng barya, depende kung anong una mong madukot sa bulsa mo…

“Sabihin mo sa’kin,
Kung ayaw mong marinig ang tinig…”

eto siguro ang problema ng mga masyadong nag-iisip… madaling maging pessimistic… pero minsan kapag nagmamahal ka, dapat bawasan ang kunsumo ng gasolina sa utak, at bayaan mo na lang na umusad ang panahon, na mangyari ang mga dapat mangyari, at magbakasakali na ang babaeng minamahal mo, balang araw, pagkatapos ng lahat ng pangangarap, pagtitiis, pag-iyak, pagsuyo, pagkalito, pananalangin…

pero sa ngayon, sa tingin ko dapat makuntento na lang muna ako sa kung anong meron ako, sa kung anong meron “tayo” ngayon… basta marinig ko lang ang boses mo, at makita ang sandaang mong pictures sa friendster, sige, ayos na yun…

.

.

—————————————————————————-

yun mga salitang naka-italic-bold ay lyrics ng kantang “Tinig” na galing sa bandang “Join The Club”

pakinggan nyo dito sa Imeem page ng someone na di ko kilala

dito yun acoustic version (di ko rin kilala kung kaninong imeem page to)

.

.

Posted in uncategorized | Tagged: , , , , , , , , , | Leave a Comment »