vanilla

white, plain, unflavored.

  • Archives

  • Recent Posts

  • Advertisements

Posts Tagged ‘gumawa’

Pano gumawa ng tula?

Posted by vanilla on Saturday, 10 May, 2008

pano gumawa ng tula?
kelangan ba may rhyme, may tugma?

yun bang mga salitang malalim,
parang yun baha sa bahay namin dati?

kelangan ba ingles, para malupet?
para muka akong graduate ng lasalle?

kelangan bang hati hati sa stanza, para madaling tignan?
para sipagin magbasa yun pupunta sa blog ko?

kelangan ba lasing ako?
para makapag isip ng matino?

kelangan bang masaya ko, dahil sa pag ibig,
para makulay at nakatutuwa ang tula ko?

o kaya naman heart broken,
para super dramatic ang dating?

eh pano kung nagpagtripan ko lang, na isulat yun naisip ko,
na walang kakwenta kwenta?

kasi nainggit ako sa blog ng iba,
na may malufet na tula, ingles pa?

samantalang ako, pag wala sa harap ng computer
o kaya kung kelan walang papel eh tsaka lang nakakaisip ng magandang tula?

tapos pagdating sa bahay nakakalimutan ko na?
< insert coin line here, kulang yun nasa isip ko eh >

lalo na pag naaalala ko yun ex ko, na sobrang ganda,
suplada nga lang…

so pano ba gumawa ng tula?
ideas? suggestions? just call me, and i’ll be there.
——————————
<original post: 11.11.2006 >

Advertisements

Posted in 2006 repost, friendster blog | Tagged: , , , | 32 Comments »