vanilla

white, plain, unflavored.

  • Archives

  • Recent Posts

  • Advertisements

Posts Tagged ‘masher’

MASHER finale

Posted by vanilla on Saturday, 31 May, 2008

[ So long, Sweet Summer… I stumbled upon you and gratefully basked in your rays… ]

pakiramdam ko, yun siomai rice na kinain ko kagabi [ 3 siomai versus 2 kanin… salamat sa toyo… ] ang the last supper ko… pakiramdam ko, mamayang alas tres, ipapako na ko sa krus… sa totoo lang, gusto kitang yakapin, kahit mga 45 minutes seconds lang, kaso nakakahiya, atsaka baka maiyak lang ako… wala na kong nagawa, kundi i-issue ang standard kong “Paalam… hanggang sa muli…”

“Salamat… and thanks for everything…”

siguro isa na to sa pinaka weirdo experience ko… parang naririnig ko na si imelda papin lumalabas sa kurtina sa likod ko habang inaawit ang intro ng paborito nyang kanta… ayan na… ladies and gentlemen, please welcome the one and only miss imelda papin!

“lunes, nang tayo’y nagkakilala…”

ang hirap talagang magpaalam… kung ako lang ang masusunod, magpapadespedida ako, super party, yun tipong tatagal ng mga 3 hours years, tapos ikaw lang imbitado… pero ok lang pumunta yun mga friends ko… pero ikaw lang talaga ang invited…

[ but for now, i’d look so longingly… waiting… ]

eto na… eto na ang sandali… this is the moment… one moment in time… magsisimula na ang isang kapanapanabik na pakikipagsapalaran, isang digmaan sa pagitan ng kampon ng kabutihan at kasamaan… you asked for it, you got it… ngayon ibinigay na yun huling hibla ng inspirasyon na hinihingi mo, oras na para sampalin ang sarili mo, at sabihing, “hoy adik, umayos ka!”

aminin mo nang medyo hindi efficient na dahilan para magbago ang pagsasabing kelangan mong magbago para sa sarili mo[at least sa kaso ko]… madaling lokohin ang sarili mo, madaling icompromise yun mga pangako sa sarili mo… ngayon binigyan ka na nang maganda, cute, at mabait na dahilan para magbago… kid, don’t waste the chance…

” ang baduy ng ending ng letter ko…”

wag kang mag alala, kid, di naman yata nagbabasa ng blog mo yun eh… pero kung mabasa man nya, di naman siguro masamang malaman nya na sya ang inspiration mo… at di mo naman siguro iga-grab yun mga pictures nya sa friendster ng hindi nagpapaalam, para igawa sya ng online photo montage sa youtube… creepy… hindi pa naman ako ganun kabaliw…

anyway, ipikit ko lang naman ang mga mata ko, andun na yun photo slideshow nya eh… di ko na kelangan pang magconnect pa sa internet… may background music pa…

sa inspiration ko, umasa ka, lahat ng binanggit ko sa “goodbye” ko sa yo, ita-try kong rin gawin sa sarili ko… umasa ka rin na i-stalk kita sa friendster, at pagbalik ko, magiging sintaba na ko ni ike lozada…

—————

line 1: taken from “age six racer” by Dashboard Confessional

line 2: self quote [ i won’t tell where/when i uttered it ]

line 3: taken from “isang linggong pag ibig” by Imelda Papin

line 4: taken from “for you to notice” by Dashboard Confessional

line 5: see line 2 comments

Advertisements

Posted in uncategorized | Tagged: , , , | Leave a Comment »

MASHER rebuttal

Posted by vanilla on Wednesday, 28 May, 2008

salamat.

muntik na kong sumuko, sa patalim na nakatutok, sa dilim na nakabalot sa isipan ko… sa pakiramdam na para akong kinidnap, inilagay sa sako, itinapon sa estero…

sa mga kaibigan kong di nagsasawa sa kadramahan ko sa buhay, sa katangahan ko sa pag-ibig, sa pagiging abnormal ko minsan madalas… cguro masyado kayong maliligalig nung nasa langit kayo kaya kayo ang itinapon dito sa lupa para maging friends ko…

[special greetings to The Banker, Mr. Mura ng Caloocan[a.k.a. The Wall Smasher], yun-babaeng-kamuka-ng-ex-ko, and to Binibining Pegasus 2008 ]

sinagip nyo ako sa isang NAPAKALAKING pagkakamali.

***

lalo na sayo, Bossing, salamat at ngayon medyo natututo na kong magbasa ng mga signals mo… pasensya na rin po kasi madalas kapag medyo nae-excite ako, nakakalimot ako… sorry po, minsan lang kasi ito mangyari eh… sa takot ko lang na bawiin mo pa to, umasa kayong susubukan kong maging good boy, katulad ng dati …

[naks]

***

and last, but not the least, sa anghel na armado ng laser sword at lip sheener, salamat ng marami… salamat sa pag-asang binigay mo sa kin… sorry na rin kung minsan bigla na lang akong natatahimik, lalo na kung tayo lang ang magkasama… yun lang talaga ang epekto sa kin kapag nakatira ako ng shabu kasama ko yun babaeng mahal ko… parang nila-liposuction ang isip ko, parang naba-vaccuum, nababablanko… parang nire-rebond, nagiging papaya payapa at walang buhaghag ang isipan ko… at pagpasensyahan mo talaga ako, talagang medyo tatanga-tanga ako pagdating sa pag-ibig…

***

pero simula pa lang ito… at sa paglipas ng mga susunod na araw ay dun ko pa lang talaga maipapakita kung gano ko talaga sya kamahal… lalo na kapag dinukot na ako ng mga leon para dalin sa isang malalim na hukay sa lupa, kung saan mangangamoy chicken curry ang kilikili ko…

pero higit sa lahat, mukang marami pang magdaraan bago ko makuha ang sagot mula sa kanya… at mukang medyo matagal pa bago kami magkasama ulit… pero as of 10am today, i don’t care…

basta marinig ko lang ang boses mo, makita ang pictures mo, malaman na masaya ka… kahit malayo ako… kahit hindi tayo “tayo”… walang nang pinagkaiba sa kin…

isinugal ko na ang puso ko eh… no retreat, no surrender… no return, no exchange… mahal na kita eh, may magagawa pa ba ako?

Posted in uncategorized | Tagged: , | Leave a Comment »

MASHER express

Posted by vanilla on Monday, 26 May, 2008

siguro nga ito ang tamang gawin… siguro nga, di kita dapat mahalin…

pakiramdam ko, para akong may cancer, at isang linggo na lang ang buhay ko… pero masmatindi pa to kesa mapaglamayan kasabay ng lagutok ng bawat nguya ng korniks at paghigop ng zesto at kape, kasi gising ka pa rin eh, nakakulong sa kabaong, nakatitig sa kisame, nakadungaw sa maliit na bintana, dinaraanan ng mga taong kilala mo, iniiyakan…

kaso ang masakit dun, yun kaisa isang taong gusto mong makitang umiyak, wala dun…

tapos ililibing ka nila sa ilalim ng lupa… sarado na ang munting dungawan mo, pero naririnig mo pa rin ang mga tao, sumisigaw, umiiyak, nagkukwentuhan… kilala mo ang mga boses nila… bawat isa, kaya mong bigyan ng pangalan, at nang tignan mo ang checklist ng mga inbitado sa libing mo, lahat andun, pwera lang ang isa…

kagabi, para akong nailibing, madilim pala sa kwarto ng pinsan ko kapag gabi…

madilim… nakakasakal, para kang nasa loob ng isang bangungot, hinahabol ng service crew ng burger king, service crew na may pakpak, mascara at blush-on, pero kahit san ka tumakbo, lumiko, nasa likod mo pa rin sya… alam mong kelangan mong gumising, pero idilat mo man ang mata mo, di mo matakasan, dahil parehong dilim ang makikita mo, walang pinagkaiba kung idilat mo man o ipikit mo ang mga mata mo…

libing, ilibing… dapat bang ilibing ang mga bangungot?

halos isang taon kang naghintay, naghintay para lang makita sya, kahit alam mong laban sa desisyon mo ang buong universe…

dahil sa totoo lang, ang bangungot na ito… ito ang panaginip na matagal ko nang hinihintay… 10 months’ worth of sleep, everynight naghihintay ako, sana mapanaginipan ko sya…

at eto na, at live action pa, hindi lang sa tv sa loob ng isip mo ito pine-play… real life to, kid…

—-

ilang araw na lang, sabado na… hindi jollibee ang pupuntahan mo, kundi isang hukay sa lupa… yun lupa, imported sa indonesia, ang naghukay, mga indianong construction workers, at pinoy yun arkitekto…

[chinese yun financier]

pero sa ilalim ng hukay na yun, ipipikit ko ang mga mata ko, at mananaginip… na sana, katabi ko sa jeep yun nilalang na may pakpak, mascara, at blush-on…

at syempre, sagot ko ang pamasahe, kasi yun lang ang kaya kong ibigay ngayon para sa kanya…

Posted in uncategorized | Tagged: , | Leave a Comment »